JERRY OLEA: Tuloy ang performance ng Ben & Ben ngayong Oktubre 18, Huwebes, sa ikaapat na gabi ng Pinoy Playlist 2018 sa BGC Arts Center, Bonifacio Global City, Taguig City.
Magtatanghal sila mamayang 12:00 MN sa Globe Auditorium.
Wala silang kasabay.

Tatlo ang magkakalapit na venues ng music fest na ito sa BGC Arts Center: Globe Auditorium, Zobel de Ayala Recital Hall (intimate), at Sun Life Ampitheater (open air).
Kabilang pa sa performances today ang mga sumusunod...
Acapellago, 5th Gen, at AMP Big Band (6:00-6:45 PM)
3rd Avenue, Andrew Fernando, at Autotelic (7:00-7:45 PM)
The OPM Hitmen: Richard Reynoso, Rannie Raymundo, Chad Borja, Renz Verano & Jay Durias (8:00-9:45 PM)
John Lesaca, at The Bratpack (8:00-8:45 PM)
Coeli, at Avayadown (9:00-9:45 PM)
Sam Concepcion, Hoochie Coochie Mikkie, at Philpop (10:00-10:45 PM)
Sam Hashimoto, Jason Marvin, Crystal Brosas & Benj Manalo, at Tala (11:00-11:45 PM)
NOEL FERRER: Exciting ang culminating weekend na ito ng Pinoy Playlist.
Finally, nandiyan na ang mga paborito ng mga bagets na Ben & Ben at IV of Spades.
Mukhang sisingit mamaya si Jay Durias ng Southborder na gusto talagang makiisa sa magandang layunin ng Pinoy Playlist.
Nandiyan din siyempre ang mga pang-thunders na sina Jon Santos, Nanette Inventor, at Kapitana Mitch Valdes na for sure laugh trip talaga! (Imagine, pinili ni Mitch na salubungin ang birthday niya sa Pinoy Playlist mismo.)
Imbes na seryosohang kumpetisyon, isang fancy awards ang magaganap sa Sabado, October 20, along with the citations of the most attended gigs per venue.
Isa sa hotly-contested award ay ang "Tuliro Award" na ang nominees ay sina Abra, Ben & Ben, at ang Vispop group.
At ang "Ibigay Mo Na Award" for Best Showmanship na ang nominees ay sina Bayang Barrios, Wishful 5, at ang paborito mo Tito Gorgy na si Eileen Sison at Guarana with your mala-Brazilian Zumba steps.
Kung sana ganito na lang lagi, na parang iisang komunidad tayong mga nasa arts and culture, hindi ba mas masaya?
Sayang at hindi magtatagpo sina Sam Concepcion at Kiana Valenciano dahil magkahiwalay sila ng timeslots.
May ipe-perform kaya sila na hugot song noong sila pa? Abangan!

GORGY RULA: Congratulations, Sir Noel, sa sinimulan niyong Pinoy Playlist.
Ilang singers ang narinig naming gusto nilang sumali next year.
Kaya inaasahang mas bongga at mas marami pang kilalang artists ang sasali sa pangalawang taon nito next year.
Mabigyan sana dito ng chance na mag-shine ang mga baguhang singers na magagaling talaga.
Inaasahan ang all-out na suporta ng OPM dito na wala tayong balita sa kanila ngayon.
Abala pa ang ilan sa kanila sa lipatan ng istasyon at raket sa concert sa iba’t ibang bansa.