Bagong sexy star na si Ivana Alawi, gustong sundan ang yapak ni Ellen Adarna

by PEP Troika
Oct 18, 2018

GORGY RULA: Ipinakilala ng Playboy magazine ang bagong cover girl ng kanilang Entertainment issue na si Ivana Alawi.

Si Ivana ang 21-year-old na talent ng PPL Entertainment co-managed sa Star Magic.

 IMAGE Gorgy Rula

Unang nakilala si Ivana sa StarStruck 6 bilang si Mariam Al Alawi, elder sister ng Kapuso child star na si Mona Louise Rey.

Continue reading below ↓

Nag-decide si Ivana na gawing sexy ang image niya dahil gusto raw talaga niya maging sexy actress, na mala-Ellen Adarna ang peg.

“Gusto ko yung sobrang pagiging open-minded ni Ellen. Yung wala akong pakialam sa mga sasabihin nila,” pakli ni Ivana sa press launch ng naturang men’s magazine na ginanap sa Eastwood Richmonde Hotel, kahapon, October 17.

Doon na rin nilinaw ng baguhang sexy actress ang isyung pagkaka-link niya sa mayor ng Sta. Rosa, Laguna na si Mayor Dan Fernandez.

Diretsahang itinanong sa kanya ni Jobert Sucaldito kung totoong nagkarelasyon sila ni Mayor Dan Fernandez.

"No comment" ang una niyang sagot.

Pero binago niya ang sagot ng “no.”

Hindi raw totoo ang isyung naging sila ng mayor ng Sta. Rosa, pero magkakilala raw sila.

“Kilala siya ng family ko. Friends lang.

“Close siya sa sa family ko. Nag-dinner lang kami with family, yun lang.

"Kasi kakilala ko yung isang pamangkin niya," sagot ni Ivana nang kinulit namin sa kanya ang intrigang yun.

Continue reading below ↓

Dagdag niya, “Respetado yun. Hindi naman siya ganun.”

Ayaw naman daw niyang magsalita nang tapos, pero hangga’t maari, ayaw raw niyang makipagrelasyon sa mga mayayamang pulitiko.

Nagpa-pictorial din si Ivana sa digital issue ng FHM Magazine, at nung lumabas ang naturang litrato, dumami raw ang mga indecent proposal sa kanya.

Pinakamatindi raw na alok sa kanya ay house and lot, pero hindi niya pinatulan.

Hanggang ngayon ay nandiyan pa rin ang offers na karamihan galing sa mga pulitiko.

“Mga politicians, pero hindi ko sila kilala personally. Through my friends gusto nila ako makilala,” sabi pa ni Ivana.

Okay naman daw ang trabaho niya sa ngayon, dahil sunud-sunod ang ginagawa niya sa ABS-CBN.

Katatapos lang niya ng Araw Gabi, at ngayon ay makakasama siya sa bagong teleserye ng Dreamscape na Mea Culpa, kung saan makaka-partner daw niya si Kit Thompson.

JERRY OLEA: Kung bet niyang sundan ang mga yapak ni Ellen Adarna, nawa’y makahanap siya ng sariling John Lloyd Cruz na handang magsakripisyo para sa kanya.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Siya pala yun! Pero uso ba ang Playboy at ang pagpapa-sexy ngayon?

Remember, Sanya Lopez’s Wild And Free didn’t make the cut. Ellen almost, but didn’t quite make it.

Will Ivana make it?

Ay, ano kaya ang comment ng kapangalan niyang si Ivanna Chubback na acting teacher?

Baka puwedeng Ivana Alawi learning from Ivanna Chubback!

Yun na!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results