JERRY OLEA: Lumagaslas ang luha ni Kakai Bautista nang ihayag na pasok sa Top 10 finalists ng PhilPop 2018 ang in-interpret niyang song na “Laon Ako.”

“Hindi ko kasi ine-expect talaga!” bulalas ng Dental Diva nang makatsika namin nitong Oktubre 18, Huwebes, sa Sun Life Ampitheater ng BGC Arts Center, Taguig City.
Ilonggo ang lumikha ng kanta, the title of which refers to an old maid. Soltera.
“So, iyong kanta ay tungkol sa isang babaeng independent, strong, pero walang love life. Pero masaya!
“Naka-relate ako. Naka-relate ako nang husto sa kantang yun.
"Saka sabi ko nga sa kanila, 'Nung naisip niyo ang kanta, ako agad ang naisip ninyo?’ Ha! Ha! Ha! Ha!
“Laon ako?!”
First time ni Kakai na sumali sa PhilPop.
Aniya, “First time ko talagang sumali ng professional na competition.
"Siyempre, kontesera ako nung bata ako, nung high school, nung college.
“Sumasali ako sa mga amateur singing contest. Pero ngayon lang yung professional competiton.
“So, parang nakaka-wooooww! 'Tapos, si Mr. C pa, nandun. Grabe!”
Ang tinutukoy niyang Mr. C ay si Ryan Cayabyab na founder ng PhilPop songwriting competition.
Ang announcement ng PhilPop 2018 finalists ay bahagi ng Pinoy Playlist 2018, kung saan curators sina Mr. C (Ryan Cayabyab), Moy Ortiz, at Noel Ferrer.
NOEL FERRER: Exciting ang PhilPop kasi malaya ang topic at style at artistry rito.
Congratulations kay Kakai.
Masaya rin ako at pumasok sa Top 10 ang “Nanay Tatay,” na may familiar line na “Nanay, Tatay, gusto kong tinapay" na tungkol pala sa EJK.
Sayang nga lang at di nakapasok ang lahok ni Nar Cabico entitled “LDR.”
Oh well, we can’t wait 'til the Grand Finals!
GORGY RULA: Sa singing at sa entablado naman talaga nag-e-excel si Kakai. Kaya mabuti na lang at nakapasok siya sa Top 10.
Sana mapasikat niya itong kantang Ilonggo kahit hindi naman siya Ilongga.
Sana ma-hype pa nang husto ang PhilPop dahil mas malakas pa rin talaga ang Himig Handog dahil sa support ng ABS-CBN.