Moira dela Torre at Jason Marvin, nagpapapayat para sa kanilang kasal

by PEP Troika
Oct 19, 2018

JERRY OLEA: Six days nang “hiwalay” si Moira at ang fiance niyang si Jason Marvin.

Nasa Australia kasi si Moira para sa ASAP in Sydney.

Moira dela Torre and Jason Marvin
 IMAGE Moira dela Torre Instagram

Si Jason ay isa sa apat na Cornerstone talents na nagtanghal sa Pinoy Playlist nitong Oktubre 18, Huwebes, 11:00-11:45 PM, sa Globe Auditorium ng BGC Arts Center, Taguig City.

Continue reading below ↓

Nanibago si Jason na mag-perform na hindi kasama ang fiancée. Hiniram muna niya ang banda nito.

Ang unang kinanta ni Jason ay komposisyon niya para kay Moira. Ang pangalawa ay pinamagatang "Panggapan."

Ani Jason, “Ito po yung story namin ni Moira when we were starting. Meron dito yung magkaibigan kayo pero secretly gusto ninyo yung kaibigan ninyo.

“'Tapos, hindi ninyo alam kung paano tatawid from... between friends to more than friends.”

Continue reading below ↓
Jason Marvin
 IMAGE Jerry Olea

Nang gabing iyon, 100 araw na lang at ikakasal na sila ni Moira.

Kayo na ang magbilang para matanto ninyo kung kailan ang kanilang pag-iisang dibdib.

Nagpapapayat sina Moira at Jason para sa kanilang wedding.

Napangiting sabi ng simpatikong binata, “Kailangan po namin ng tulong ng lahat. Yung mga fans namin yung nagre-remind sa amin.”

NOEL FERRER: Sa January 2019 daw sa Tagaytay ang kasal nina Jason at Moira.

Simple lang daw ito at intimate, pero nakagawa na raw sila ng apat na kanta na siyang magsisilbing parang “vows” nila sa wedding ceremonies.

Yung music na rin daw na yun ang magiging wedding giveaway nila.

Mukhang mabait na partner si Jason at bagay sila ni Moira.

Parang good vibes lang at napakalumanay at magalang nilang dalawa.

Sana next year magkasama na sila at magka-collaboate sa Pinoy Playlist.

GORGY RULA: Kahit naman ganun pa rin ang katawan ni Moira, at kahit may asawa na siya ay hindi naman magbabago ang paghanga sa kanya ng supporters niya, e.

Continue reading below ↓

Nakilala na si Moira na may pagka-plump siya. Pero siyempre, gusto naman niya sigurong payat-payatan at ganda-gandahan siya sa wedding photo niya.

Curious lang ako kung may nagawa ba siyang ginawang wedding song nila, gaya ng ginawa ni Yeng Constantino?

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results