Controversial gay films, mapapanood sa QC International Pink Filmfest

Controversial gay films, mapapanood sa QC International Pink Filmfest
by PEP Troika
Oct 19, 2018

GORGY RULA: Inilunsad ang Quezon City International Pink Festival 2018, na tatlong taon nang sinusuportahan ng QC government, ngayong tanghali, October 19, sa Anabel's Restaurant.

Magaganda at controversial gay films mula sa iba't ibang bansa ang mapapanood sa kabuuan ng festival na magsisimula ng November 14 hanggang 25.

Ilan sa mga pelikulang mapapanood na pinag-usapan sa kanilang bansa at ilang international filmfests ay ang Boys for Sale ng Japan, Mr. Gay Syria ng Turkey, at Leitis in Waiting ng Tonga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May mga napili ring Pinoy gay films na mapapanood, at documentary films na tumatalakay sa kuwento ng mga LGBTQI.

Mapapanood uli rito ang documentary film na Call Her Ganda tungkol sa pinaslang na si Jennifer Laude.

Bahagi rin sa pink film festival ang pagbibigay-pugay kay direk Soxie Topacio, ang dating pangulo ng QC Pride Council na malaki ang naiambag sa naturang filmfest.

Ipalalabas ang pelikula niyang Ded na si Lolo.

NOEL FERRER: Excited ako sa final lineup ng Filipino LGBTQ films na ipapalabas sa festival na ito.

Nagkaroon kasi ng malawakang call for entries at sana may mga magagandang bagong movies na tatangkilikin ng wider audience.

Too many film festivals? Hindi naman. Basta properly curated at promoted sana!

JERRY OLEA: Dalawang taon na nagpahinga ang pink filmfest na ito, na tatlong sinehan lang ang pagpapalabasan sa Nobyembre.

Iyong ongoing Cinema One Originals ay umalis sa November dahil siksikan doon ang movies.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ongoing ang 14th C1 filmfest hanggang October 21, Sunday, na pagsisimula naman ng 6th QCinema filmfest na tatagal hanggang October 30.

Maraming rainbow films sa dalawang filmfest na ito.

Sa Nobyembre, aabangan na natin ang MMFF 2018, kung saan palaban ang Rainbow’s Sunset na tinatampukan ng kakaibang love triangle.

Kaya good luck na lang sa ikatlong edisyon ng QC International Pink Festival.

Read Next
Read More Stories About
pep troika
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results