Mader Sitang ng Thailand, maghahasik ng kanyang kakaibang karisma sa Pilipinas

JERRY OLEA: Mader Sitang has landed!

Aatake na sa lupang hinirang si Mader Sitang (lawyer po siya, hindi aswang).

The Who si Mader Sitang?

Siya po ang transgender mula sa Bangkok, Thailand na viral sa internet dahil sa kanyang pagmo-model(?).

Sa Asya, siya ang transgender na may pinakamaraming online follower.

Mader Sitang
IMAGE Instagram

Ihahasik ni Mader Sitang sa Pinoy fans ang kanyang kakaibang karisma bago sumapit ang Undas.

Ngayong Oktubre 19, Biyernes, 6:00 PM, naka-schedule ang kanyang meet-and-greet with fans sa H & H Makeover Salon sa The Block, SM North EDSA, QC.

After that, hopefully ay makapag-beauty rest peacefully si Mader Sitang, para hindi siya stressed sa dinner niya bukas (Sabado) ng 11:00 PM sa Fahrenheit (1204 E. Rodriguez Sr. Av., QC, malapit sa Morato Ave. at Hemady St.), na susundan ng 1:00 AM pasiklab sa One 690 Entertainment Bar (39 Roces Ave., QC).

Sa Linggo ng 11:00 PM ay may pa-dinner muli kay Mader Sitang, at pagsapit ng 1:00 AM ay magpapasabog siyang muli sa One 690.

Hindi po totoo na kumakain siya ng bubog, apoy, at hilaw na puso ng tao.

Ang producer ng shows ni Mader Sitang ay ang Mr. Gay World-Philippines 2009 na si G. Wilbert Tolentino na nagturan, “Ihanda ang inyong mga sarili sa mind-blowing Sitang extravaganza!”

NOEL FERRER: Seseryosohin ba natin itong si Mader Sitang?

Kung ako ang promoter, gagawan ko ng showdown si Mader Sitang at Inday Garutay, tingnan natin kung sino sa kanila ang magwawagi!

GORGY RULA: Kararating lang ni Mader Sitang mula Bangkok.

Nagkagulo ang mga tao sa airport dahil kilala nila ang sikat na social media influencer ng Thailand.

Sinundo pa siya ng mga bading dito sa atin na gumagaya sa kanya.

Ito palang si Mader Sitang ay isa sa nagpadala ng tulong sa mga nasalanta ng super typhoon Yolanda.

Sabi niya kanina sa mga nag-interview sa kanya sa airport, ang malaking bahagi raw ng kikitain niya sa shows niya rito sa atin ay ibibigay niya sa mga nasalanta ng bagyong Ompong.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN