Tambalang Jennylyn Mercado-Derek Ramsay sa GMA, hindi pa sigurado

GORGY RULA: Mariing itinatanggi ng ilang taga-GMA-7 na nakaka-text namin ang usap-usapang baka si Derek Ramsay daw ang maka-partner ni Jennylyn Mercado sa bagong drama series na gagawin nito.

"Isulat mo na lang na ang partner ni Jen sa next niyang soap si Gabby C," text sa akin ng isang taga-GMA-7.

IMAGE @mercadojenny @ramsayderek07 on Instagram

First time pa lang makaka-partner ni Jennylyn si Gabby Concepcion, na magandang kumbinasyon naman.

Ang unang napabalita, merong gagawing soap si Jennylyn na kukunan ang mga eksena sa Tokyo, Japan. Walang nabanggit kung sino ang makakasama niya.

Hindi na pala tuloy yun.

Pinalitan ito ng bagong material, at si Gabby na ang makaka-partner.

Wala pa raw sa usapan ang tandem na Jennylyn at Derek dahil wala pa namang na-finalize sa kampo ng hunk actor.

Maganda sana kung matuloy si Derek, para magkaroon ng chance na magsama sa TV ang dalawa dahil napatunayan naman ang magandang chemistry nila sa dalawang pelikulang nagawa nila.

Positibo sana ang resulta nang pag-uusap nila next week, para matuloy na ang pagiging Kapuso uli ni Derek Ramsay.

NOEL FERRER: Kailan nga ba magiging Kapuso si Derek? Yun na lang ang hihintaying susunod na balita.

Ano kayang welcome ang ibibigay ng GMA sa kanya? At isang homecoming din ito kung sakali dahil naaalala ko si Derek na nagho-host ng Eat Bulaga! at Bb. Pilipinas noon sa GMA-7.

Oh well, hintayin na lang natin.

JERRY OLEA: Simpatiko si Gabby Concepcion. Hindi siya nauubusan ng proyekto o leading lady.

Kaabang-abang ang kumbinasyon nila ni Jennylyn!

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN