IV of Spades, dinumog ng fans sa Pinoy Playlist 2018 concert

by PEP Troika
Oct 20, 2018

JERRY OLEA: SRO (Standing Room Only) ang pagtatanghal ng IV of Spades nitong nakaraang Biyernes, Oktubre 19, 11:00 PM sa Globe Auditorium ng BGC Arts Center, Taguig City.

 IMAGE Bonifacio Global City Facebook page

Bentang-benta sa fans nila na karamihan ay bagets, millennials o students ang ingay at gaslaw ng kanilang performance.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matipid ang kanilang spiels at ang sabi nila, “Mahiyain po kami.”

Gaya ng iba pang performers ay lubos ang pasasalamat nila sa organizers ng Pinoy Playlist 2018 na nag-imbita sa kanila.

Dagdag nila, “Salamat sa lahat ng sumusuporta sa amin at hindi kami bina-bash.”

NOEL FERRER: If there’s anything about the groups sa Pinoy Playlist, napaka-unique at sila-sila mismo ang nagsusuportahan.

Grabe raw ang reaksyon ng tao kagabi kay Jon Santos pati na kina Reuben Laurente (mula sa The CompanY) at ang mag-asawang Isay at Robert Seña.

Mamayang gabi, sa closing program malalaman ang mga naging audience choices talaga.

Magandang abangan mamaya ang 40th Anniversary Concert ni Dulce, birthday act ni Mitch Valdes, Nanette Inventor, Myke Salomon, Nar Cabico, reunion ng banda ni Gabe Mercado na Da Pulis at ang grupo ni Zia Quizon na Extrapolation at marami pang iba.

Kita-kits mamaya sa pagtatapos ng Pinoy Playlist!

GORGY RULA: Congratulations sa lahat na bumuo ng Pinoy Playlist.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang Ben & Ben at itong IV of Spades ang ilan sa inabangan ng mga millennials.

Kaya kahit late na, ang dami pa ring kabataang nagtiyagang naghintay at talagang tinapos ang kanilang performance.

Sila pa rin kaya ang sikat at aabangan sa susunod na Pinoy Playlist next year?

Dito magkakaalaman dahil tiyak na marami pang bago at mas magaling na mabibigyan ng chance na makapag-perform sa mga mahihilig sa music.

JERRY OLEA: Ngayong Oktubre 20, Sabado, ang ika-anim at huling gabi ng Pinoy Playlist 2018 sa BGC Arts Center, 26th corner 9th Avenue, Bonifacio Global City, Taguig City.

Ang tatlong venues nito ay ang Globe Auditorium, ang Zobel de Ayala Recital Hall, at ang Sun Life Ampitheater (open-air, at puwedeng makapanood nang nakaupo kahit walang tiket).

Kabilang sa 17 performances ngayong gabi: 6:00-6:45 PM—Dulce (pop), Hangad (worship), at Extrapolation (jazz, funk, soul); 7:00-7:45 PM—The CompanY (jazz acapella, pop), Anna Fegi-Brown (pop), at RJ de la Fuente (RnB); 8:00-8:45 PM—Nanette Inventor (pop), Myke Salomon (pop), at Kiana Valenciano (pop); 9:00-9:45 PM—Mitch Valdes (pop), Nar Cabico (pop), at Katrina Velarde (RnB); 10:00-10:45 PM—Da Pulis (pop rock), Toto Sorioso (RNB, jazz), at Never The Strangers (rock); 11:00-11:45 PM—UP Singing Ambassadors (choral), at FERN (indie pop).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results