Alyssa Muhlach Alvarez, kelangan ng likes sa Instagram account ng Reina Hispanoamericana

by PEP Troika
Oct 21, 2018

JERRY OLEA: Lumipad si Alyssa Muhlach Alvarez pa-Bolivia nitong Oktubre 20, Sabado, para sa timpalak na Reina Hispanoamericana 2018.

"Susunod si Miray (Almira Muhlach, ina ni Alyssa) sa Monday," sabi ni Niño Muhlach nang makausap namin sa event ng Kapuso Foundation noong Sabado sa East Avenue Medical Center, Quezon City.

Continue reading below ↓

Sabi pa ni Niño, hindi nila alam na mananalo si Alyssa sa Miss World-Philippines 2018, na nagbigay-daan para maging kinatawan ng bansa ang 22 anyos na dalaga sa 28th edition ng RHA na gaganapin sa Nobyembre 3, sa Santa Cruz, Bolivia.

Mensahe ni Niño para kay Alyssa, “Alam naman niya na the Muhlachs are all behind her, and we wish her all the best. And sana, ma-take home niya yung crown.”

Medyo marunong mag-Kastila si Alyssa.

“Iyong background namin e really Spanish,” pahayag ni Niño. “Dala niya yung papers namin na meron siyang Spanish blood. Ang lolo ko, Español. Alvaro Muhlach Sr.”

Nasa-YouTube ang Alex Muhlach Documentary (26 minutes, 29 seconds) na birthday gift ni Niño sa ama last year. Nasa docu ang angkan ng mga Muhlach sa showbiz.

Back to RHA 2108, meron itong 29 candidates.

Makakatunggali ni Alyssa ang mga kinatawan ng Argentina, Aruba, Australia, Belize, Bolivia, Brazil, Canada, Chile, Colombia, Costa Rica, Curacao, Ecuador, El Salvador, España, Estados Unidos, Europa Hispana, Guatemala, Honduras, Mexico, Nicaragua, Panama, Paraguay, Peru, Puerto Rico, Republica Dominicana, Uruguay, at Venezuela.

Continue reading below ↓
View this post on Instagram

Hi!! ð???â?¤ï¸? This is Alyssa Muhlach Alvarez. How are you? Hoping all is well with you. ð??? I will be leaving tomorrow going to Bolivia to represent the Philippines in Reina Hispanoamericana 2018. I am writing this message to humbly ask for your support in my Reina Hispanoamericana journey. Kindly help me with the RHA 2018 Voting by posting about asking for support from all your followers to vote for me by liking my photo in the Reina Hispanoamericana Instagram account. â?¤ï¸? The RHA 2018 candidate with the most likes on her photo will automatically be a finalist for Reina Hispanoamericana 2018. I am praying that I can bring home the RHA crown again so we can have a back to back win. â?¤ï¸? Thank you so much po again!

FOR INSTAGRAM: Kindly FOLLOW @rhispanaoficial and LIKE the photo of FILIPINAS, Alyssa Muhlach

A post shared by Reina Hispanoamericana (@rhispanaoficial) on

NOEL FERRER: Too many beauties, too little time. Subukan nating maka-keep up sa back-to-back na magaganap na international pageants.

Mabuhay ang gandang Pinay!!!

GORGY RULA: Malaking challenge kay Alyssa yan dahil ang bansang Filipinas ang may hawak ng korona ngayon.

Nakatakda na ring lumipad si Teresita Ssen Winwyn Marquez para i-relinquish ang kanyang korona.

Posible kayang ma-back to back ito ni Alyssa?

Malaking bagay ang online votes natin diyan. Kaya sana suportahan natin si Alyssa.

Bukod sa Reina Hispanoamericana, nasa Albania na rin si Michelle Gumabao para sa laban niya sa Miss Globe 2018.

Nasa Myanmar naman si Eva Patalinhug para mag-represent ng bansa natin sa Miss Grand International.

Ang pagkakaalam ko, si Xian Lim ang host sa naturang beauty competition.

Kaya itodo na natin ang suporta sa ating mga kandidata na lalaban sa mga nabanggit na international beauty pageants.

JERRY OLEA: Hindi masyadong marami ang mga kalahok sa Reina Hispanoamericana.

Continue reading below ↓

Back-to-back ang panalo ng Bolivia noong 1998 at 1999, pati ang Venezuela noong 2009 at 2010.

Nang ma-dethrone ang Bolivia noong 1996, Venezuela ang successor. At noong 1997 ay Venezuela rin ang nag-uwi ng korona.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results