Mga manikurista ng nail spa, na-trauma sa nega attitude ng actress/TV host

GORGY RULA: Totoo kayang inaayawan na raw ng mga manikurista itong si actress/TV host na endorser ng isang kilalang nail spa?

Hindi lang ako sure kung siya pa rin ang endorser nito ngayon dahil nung kinuha siya para i-promote ang nail spa na ito, may libreng service siya siyempre.

Home service pa para hindi siya mahirapan.

Kaya lang na-trauma na raw ang mga manikurista sa kanya dahil sa di magandang trato nitong si actress/TV host.

Kuwento ng isang kaibigang nagha-handle nitong nail spa na ito, nag-request daw itong si actress/TV host ng manikurista.

Kung puwede, magpapunta raw ng manikurista sa bahay niya nang alas-nuwebe ng gabi.

Dumating si manikurista bago mag-9pm, pero wala pa pala roon si actress/TV host.

Pinaghintay si manikurista nang napakatagal dahil pasado alas-dose na pala dumating itong si actress/TV host.

Maputla na ang pobreng manikurista nang ginawa ang mga kuko ni actress/TV host dahil pinaghintay lang siya sa may kusina, hindi pinakain, kundi pinainom lang ng tubig at pinanood ng TV.

Pagkatapos daw ng home service, akala ni manikurista makakauwi na siya.

Nagpagawa pa pala ang isang kapatid, pati ang nanay.

Kaya isipin niyo na lang kung anong oras na nakauwi si manikurista.

Hindi man lang daw hinatid palabas ng village.

Kaya nahirapan pa si manikurista maghanap ng masakyan.

Nagalit daw ang may-ari ng nail spa na iyun, at kapag nagri-request siya uli ng home service, nagtuturuan na ang mga manikurista.

Ayaw na raw talaga nilang pumunta sa bahay ni actress/TV host.

Matagal na nangyari ito, pero muling naungkat at napag-usapan dahil tinatanong daw ng iba kung makakatulong daw ba itong si actress/TV host sa pangangampanya ng isang miyembro ng pamilya na tatakbo sa darating na eleksyon?

Mabait naman daw itong kapamilya niyang tatakbo, pero malakas daw ang makakalaban at baka magiging nega lang daw itong si actress/TV host dahil daw sa ugali nito.

NOEL FERRER: Naku, mabait sa akin yang pamilyang yan!!!

Nakakaloka naman!!! Baka naman hindi totoo yan!!!

Huwag na sanang maungkat pa yan sa eleksyon man o sa pelikula niya na malapit nang ipalabas.

Hindj maganda!!!

JERRY OLEA: Sabi ng 88 anyos na Hollywood actress na si Tippi Hedren (ina ni Melanie Griffith, lola ni Dakota Johnson), ikinukonsidera siyang patron saint ng mga manikurista.

Sa paggu-google ko, natisod ko ang info na may Saint Ginger na patron saint ng manicurists.

Meron pang dalangin sa kanya, huh?!

Ipagdasal na lang muna ng mga manikurista ang aktres na bida sa blind item na ito. Amen!

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN