Ogie Diaz, nagpasimuno ng celebrity fund drive para sa breast cancer patients

JERRY OLEA: Magandang balita ang hatid ni Ogie Diaz para sa breast cancer patients & survivors na dumalo sa maghapong pagdiriwang ng Kasuso Foundation nitong nakaraang Sabado, Oktubre 20, sa East Avenue Medical Center, Quezon City.

“Nanghoholdap ako ng mga kaibigan para sa inyong lahat!” bulalas ni Ogie, na ikinatawa, pinalakpakan at hiniyawan ng audience.

“Siyempre, gusto kong pasalamatan... hindi magiging posible ang pagtuntong ko rito, Diyos ko, kung hindi ko naharbatan, kung hindi ko naholdap...

“Alam niyo ba, merong isang nag-ano sa atin...

“Ito, blind item, ha? Merong isang artista. Tinext ko siya. Sabi ko, ‘Mare, baka puwede ka namang mag-ano, um-appear o mag-donate.’ Ganyan-ganyan.

“Sabi niya, ‘Pare, meron akong importanteng lakad sa araw na yan. Pero magpe-pledge ako ng ONE HUNDRED THOUSAND PESOS!”

Tuwang-tuwa ang kababaihang may pinagdadaanan sa kani-kanyang dibdib.

Pagpapatuloy ni Ogie, “'Tapos, biglang may mga isyu na lumabas! Concerning her health. Oo, meron siyang sakit. Ganyan. May dinaramdam. At siyempre, meron din siyang mga kaso sa kanyang mga business partner. Di ba?

“Nahiya ako. Sabi ko, nakakahiya naman. Kaya tinext ko siya uli. Sabi ko, ‘Mare, nakakahiya naman. Diyos ko! Hinaharbatan kita e meron ka rin palang sariling problema.’

“Alam niyo kung ano ang sagot niya? ‘Pare, walang problema. Ako ang pagagalitan ng mommy ko pag hindi ako tumulong sa may kanser.’”

Lalong nagbunyi ang audience.

Panghihikayat ni Ogie, “Kaya palakpakan natin... Miss Kris Aquino!”

Masigabo ang palakpakan ng kababaihan.

“Yes, Kris Aquino yan,” matamang lahad ni Ogie.

“'Tapos, nag-post ako kahapon. Sabi ko, maraming salamat sa mga susuporta bukas — ito nga, ngayon — maraming salamat sa susuporta dahil... siyempre, lagi naman nating pinasasalamatan...

“Hanggang sa may nag-PM [private message] sa akin.

“Sabi, ‘Pare, kailan ba yan?’ Sabi ko, ‘Bukas na.’ ‘Sige, padala ako ng one hundred thousand pesos. Huwag mo nang banggitin kung sino ako.’”

Naghiyawan at nagpalakpakan muli ang mga tao nang buong sidhi.

“E, pupuwede ba sa atin ‘yon?” pakli ni Ogie, na ikinahalakhak ng marami.

“Alam niyo naman, pag nagdo-donate, nagse-share sa atin ng blessings... di ba, sabi ko sa inyo, ipagdasal ninyo?

“Kaya ayan. ‘Pare, ito ay bahagi ng nalikom nating donations doon sa nakaraang golf tournament namin.’

“Nagbigay siya ng one hundred thousand pesos. Kaya palakpakan natin... si Miss Tates Gana! Kilala ninyo si Miss Tates, di ba?

“Siya rin yung masigasig na tumutulong sa Child Haus Foundation. Si Tates Gana. At siyempre, kasama do’n si Mayor Herbert Bautista.

“Kaya ko binanggit si Mayor, kasi, hindi naman na siya tatakbo. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”

“Talagang gano’n! 'Tsaka laging tumutulong dito si Mayor Herbert.

“Di ba, minsan, nagpapadala siya rito? Iyong mga bag! Ayan...

“Nagbigay sila ng P100,000. Kaya bale P200,000. Tapos, meron po akong inano. ‘Sige, pumunta ka sa bahay! Kunin mo ang akng regalo.’

“Hindi siya makakapunta. Pero siya ay nanggaling na dito noon, oo... so, nagbigay ng P20,000 si Miss Sylvia Sanchez!”

Masigabo pa rin ang palakpakan ng audience.

Present sa nasabing event ng Kasuso Foundation ang mag-asawang Rhea & Sam Tan (may-ari ng Beautederm na ineendorso ni Sylvia).

Nagbigay ang mag-asawa ng P25,000 para sa raffle, at bawat tao sa audience ay may Beautederm gift pack.

Nagpasaya naman sa audience sa kanilang pag-awit sina Kate Campo, Marissa Sanchez, Alonzo Muhlach (kasama ang amang si Niño at kuyang si Alessandro), at Alynna (singer ng "Kahit Gaano Kalaki").

Kate Campo
IMAGE Jerry Olea
Alonzo Muhlach Nino Muhlach
IMAGE Jerry Olea

Bumati at nagbahagi ng inspirational message sina Shyr Valdez, Ahron Villena, at ang mag-asawang Rochelle Barrameda & Jimwell Stevens.

Ahron Villena
IMAGE Jerry Olea
Jimwel Stevens Shyr Valdez Rochelle Barrameda
IMAGE Jerry Olea

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN