Richard Reynoso, napikon sa pagmamaliit ng abogado kay Aga Muhlach

Richard, napikon sa pagmamaliit ng abogado kay Aga
by PEP Troika
Oct 21, 2018

JERRY OLEA: Nainis si Richard Reynoso nang mabasa ang pagmamaliit ng isang abogado kay Aga Muhlach, na kesyo artista lang ito at walang alam sa pulitika.

aga muhlach richard reynoso
 IMAGE Noel Orsal / Richard Reynoso Facebook

May kinalaman ito sa naging pahayag ni Aga tungkol kay Senator Antonio Trillanes IV nang mag-guest ang aktor sa Gandang Gabi Vice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ng award-winning actor tungkol sa senador, "Nakakapagod na. Ano ba gusto mo mangyari?

"Parang nag-e-enjoy ka na lang diyan. Tumulong ka na lang.

"Nakakapagod na minsan, kahit sinong umupong presidente, sinisiraan.

"Ito, ginagawa naman ng Presidente nating nakaupo yung ginagawa niya, marami mang hindi masaya sa kanya pero ang punto ko, yung mga nakapuwesto rin, tumulong na lang kayo sana.

"Stop, collaborate and listen."

Hindi ipinalabas ang naturang pahayag ni Aga sa mismong show ngunit kumalat ang video clip nito.

Ito naman ang ipinost ni Atty. Jesus Falcis bilang reaksiyon sa naging pahayag ni Aga:

"Parang si Mocha Uson at Harry Roque, kung ano uso at may power nuon, dun sila sumasakay. Tulad nitong si Aga Muhlach.

"Mga dating dilawan na ngayon eh mga anti-dilawan at anti-Trillanes. Artista ka nga lang talaga Aga Muhlach, isa kang walang alam sa pulitika.

"Ang pag criticize ni Trillanes kay Duterte (tungkol sa EJK, China, drugs, at corruption) ay pag tulong sa bayan!

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Hindi si Duterte ang kelangan pag silbihan ni Trillanes. Kaya tumahimik ka na lang kung hindi mo alam ang pinagsasabi mo.

"Ayan nag viral ka tuloy. Kahit anong delete pa ng videos ang gawin mo eh kumalat na sa internet ang kabobohan mo! Hindi mo matatago ang statements mo sa GGV.

"#AgaMuhlachLateAngUtak"

Kalakip ng post ni Atty. Falcis ang isang larawan kung saan naka-Laban sign si Aga kasama ang iba pang mga kandidato ng Liberal Party na tumakbo noong 2013 elections.

Tunakbo ang aktor bilang representative ng Fourth District ng Camarines Sur, ngunit natalo kay William "Wimpy" Fuentebella."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Napikon ako,” sabi ni Richard nang makatsika namin sa Facebook Messenger.

“Ang laki ng utang na loob ko sa industriyang ito. Di kaya ng kalooban ko sa tuwing minamaliit ang mga kasamahan natin.”

Hinaing ni Richard sa Facebook nitong Oktubre 21, Linggo ng gabi:

“ARTISTA NGA LANG MARAHIL KAMI...

“Kaya siguro kami at ang industryang ginagalawan namin ang nilalapitan tuwing may eleksyon para magkaroon ng taong makikinig sa mga pangakong kadalasan ay napapako ng mga pulitiko.

“Kami ang pinupuntahan para magbigay-kasiyahan sa mga nagdadalamhating biktima tuwing may malaking sakuna o kaya ay tuwing may fundraising concert para may dagdag-panggastos sa mga nangangailangan.

“Wala nga marahil kaming alam sa mga kaganapan sa ating bayan kahit na marami sa aming hanay ang tapos ng kolehiyo at may sariling negosyo.

“Pagpasensyahan na po... kung wala nga siguro kaming alam sa pulitika na malaki ang nagiging kontribusyon namin sa pagbabayad ng buwis taon-taon na siyang nagpapasweldo sa mga pulitiko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Marahil nga siguro, wala kaming alam dahil mga artista lamang kami kaya sa tuwing meron sa aming hanay na nagbabalak tumakbo tuwing eleksyon, nanginginig sa takot ang mga nakakatapat na pulitiko.

“ARTISTA LANG KAMI... kaya kami pinakikinggan ng marami sa tuwing meron kaming sasabihin dahil ramdam din namin ang hinaing ng maraming kababayan natin.”

NOEL FERRER: Kakatawa lang na habang si Aga Muhlach ay hindi apektado sa isyu ay ibang mga kasama natin sa industriya ang nasasaktan sa tinuran ng nasabing lawyer.

Wala nang puwang ang ganitong pangmamata at panliliit sa mga artista.

Medyo napaso na nga si Aga dahil nang minsan niyang pasukin ang politika sa CamSur, ayun, naramdaman niya kung paano siya iniwan ng mga taong nangakong susuporta sa kanya.

Sa tingin niyo ba, ipapasubo na naman niya ang sarili niya sa politika ulit?

I don’t think so.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results