Lito de Guzman, umurong sa patutsadahan nila ni Kathelyn Dupaya dahil sa mga anak

by PEP Troika
Oct 22, 2018

JERRY OLEA: Sumuko ang controversial talent manager na si Lito de Guzman sa mga hanash ng Brunei-based businesswoman na si Kathelyn Dupaya, ang friend-turned-enemy nina Sunshine Cruz, Joel Cruz, at Ynez Veneracion.

Lito de Guzman and Kathelyn Dupaya
 IMAGE Jerry Olea / Noel Orsal

“Ayoko siyang patulan sa print, sa Facebook. Hindi kaya ng powers ko!” emosyonal na sambit ni Lito nang makausap namin sa birthday party ni Jeffrey Gonzales nitong Oktubre 21, Linggo ng gabi, sa Joliant restaurant, Tomas Morato Avenue, QC.

Continue reading below ↓

Ano?! Ang dating guerrerong Lito de Guzman, tumiklop sa matatalas na patutsada?!

Natatawang paliwanag ng discoverer ni Greg Hawkins (aka Kuya Escort), “Iyong kabaluharaan ko dati, noong bold star days... hindi kaya.

"Kasi, iyong mga anak ko, nasa mga international school!”

Tatlo ang mga anak ni Lito, dalawang babae at isang lalaki.

Dagdag ni Lito, “Iyong panganay ko, nag-artista sa Viva—Daniela Carolino.

"'Tapos, iyong isa kong anak, nasa British international school sa Imus, Cavite.

"Iyong bunso kong lalaki, nasa Casa Montessori. Grade 4.

"Nakakahiya! Nagpe-Facebook silang lahat!

"Lahat sila, nasa maayos na buhay, di ba? ‘My God, daddy! Please remove that churva chuvanes!'

"Ha! Ha! Ha! Ha! ‘My God, dad... please?!’ Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Hindi ko kaya! Kung wala akong mga anak, labanan ko siya [Kathelyn Dupaya].

"Anyway... I changed a lot!” bulalas ni Lito na sinundan ng mataginting na hagalpak.

Continue reading below ↓

"Kasi, matanda na tayo, di ba? My God! 50 years old na si LDG. Hindi na keri ang mga balahuraan!"

NOEL FERRER: Buti na lang at ceasefire na ang word war ng dalawang ito dahil hindi talaga magandang pinag-aawayan ang isyu ng pera sa publiko.

Hindi rin kasi magandang pag-usapan kung saan napupunta ang mga komisyon ng bags na ibinibenta, lalo pa’t supposedly magkaibigan kayo.

Sana bago sila nagbangayan sa publiko, inisip na nila ang repercussions nito, pati na ang sinasabi nila ngayong pinapangalagaang imahe sa mga anak.

Ka-level ito ng think before you click; dapat think before you talak, di ba?

JERRY OLEA: Tinanong ni Shalala si Lito de Guzman, “Alam ba ng mga anak mo kung saan ka nanggaling before?”

Natatawang sagot ni LDG, “Hindi ko na kailangang ikuwento! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!

“Ang alam nila, dancer ako talaga. Ha! Ha! Ha! Ha! Negosyante! Ganun! Ganun ‘yon! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!

Continue reading below ↓

“Kakalokah! Kaya wah na yung mga ganyan-ganyang negative! Iyong mga Kathy Dupaya, wah na. Wah na!”

Ang Christmas message niya para kay Kathelyn Dupaya...

“Peace be with you!”

GORGY RULA: Mabuti at na-realize ni Lito iyan.

Ang nagulat lang ako, hanggang sa pagpapasanla ng signature bags ay pinasok na rin pala nitong si Dupaya, at kumita diyan si Lito.

Kaya lang, parang ang hirap yata makipag-deal kay Dupaya dahil inieskandalo niya agad.

Sana patahimikin na ang isyu niya.

Read Next
Read More Stories About
pep troika, Lito de Guzman
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results