Mader Sitang, namudmod ng pera sa mga batang kalye

JERRY OLEA: Pabalik na ang internet sensation na si Mader Sitang sa Bangkok, Thailand, ngayong Oktubre 22, Lunes ng 5:00 PM.

IMAGE Jerry Olea

Bukas, Martes (Oktubre 23), pupunta si Mader Sitang sa Malaysia. May photo shoot siya para sa isang casino.

Sa Miyerkules, balik-Thailand si Mader Sitang dahil marami siyang offers na product endorsements (beauty & hair products).

“May taping din po siya para sa horror. Kinuha po siya para sa horror po,” masayang pagbabalita ng manager niyang si Wilbert Tolentino, Mr. Gay World-Philippines 2009.

May perfume line (worth P349) na si Mader Sitang, branded as Simply Sitang. Sold out agad ang mga pabango!

“Dito sa bansa, nag-create tayo ng sariling name po niya, at gusto nating i-cater ang international market, kaya tinawag nating Simply Sitang,” lahad ni Wilbert.

“Simply Sitang, kumbaga... parang... simplicity.”

Kailan babalik sa Pilipinas si Mader Sitang?

Mabilis na tugon ni Wilbert, “Actually, plano namin po is, next month, kami ang pupunta sa Thailand para mag-sign kami ng contract for other products.

“At para makita po niya iyong mga item po, kung ano ang lalabas. And then, makikipag-affiliate kami sa Lazada at gagawa kami ng sariling online business para sa kanya.”

IMAGE Jerry Olea

NOEL FERRER: Hindi ko alam kung paano magre-react kay Mader Sitang.

Isa siyang novelty na sinusulit ang 15 seconds or probably minutes of fame.

Ang achievement niya ay napapunta niya sa 690 gay bar si Korina Sanchez-Roxas!

Wagi!

GORGY RULA: Mabait si Mader Sitang. Ang dami niya natulungan.

Mga kasamahan ko na reporter sa DZRH natutuwa sa kanya dahil abot daw nang abot ng datung sa mga bata sa kalye.

Pero sabi ng isang kaibigan ko, nakakatuwa raw siya pero huwag lang daw tingnan matagal, dahil matatakot ka raw talaga.

Sa ngayon ay mainit talaga siyang pinag-uusapan.

Kaya pinag-aagawan siya ng dalawang TV network. Exclusive pala siya sa ABS-CBN.

Kaya nagtiyaga na ang Sunday Pinasaya kay Inday Garutay kahapon na kopyang-kopya naman niya si Mader Sitang.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN