Sam Concepcion at Kiana Valenciano, sadyang hindi nagsabay ng gig sa Pinoy Playlist music fest?

by PEP Troika
Oct 22, 2018

JERRY OLEA: I guess, fresh pa ang wound sa break-up nina Sam Concepcion at Kiana Valenciano, na kay galing-galing ng performance sa magkahiwalay na gabi ng Pinoy Playlist 2018 music fest sa BGC Arts Center, Taguig City.

 IMAGE Jerry Olea

October 18, Thursday night nagpasiklab si Sam sa Globe Auditorium. Kilig na kilig ang fans, na karamihan ay kababaihang milenyal.

Continue reading below ↓

“Thank you. Congratulations, Pinoy Playlist! Mabuhay ang OPM!” nakangiting sambit ni Sam—na takaw-pansin ang color ng hair—nang makausap ko.

Bakit magkahiwalay sila ni Kiana ng gabi ng performance? Sinadya ba iyon?

Nakangiti pa ring tugon ni Sam, with matching kindat, “Pinoy Playlist! October 18, 19, 20. See you there!”

October 20, Saturday night ang gig ni Kiana sa Sun Life Ampitheater.

Ipinatanong ko sa publicist niyang si Chuck Gomez kung puwede itong mahingan ng kahit konting comment about Sam.

“Ayaw pa niyang magsalita,” sabi ni Chuck kapagkuwan.

Sa unang kanta pa lang ni Kiana ay tila ramdam na ramdam niya ang pasakit ng isang pusong sawi.

In due time, nawa’y magpaunlak ng panayam sa akin sina Sam at Kiana.

NOEL FERRER: Meron akong separate experience dyan bilang ako ang nagbigay ng certificates of appreciation nila.

Ang last song ni Sam ay ang hit song na “Dati,” na may linyang “Di ba't ikaw nga yung reyna at ako ang iyong hari.” 

Continue reading below ↓

Ka-duet ni Sam si Tippy Dos Santos sa “Dati,” pero nagsolo si Sam sa pagkanta nun sa Pinoy Playlist 2018 music fest.

Tinanong ko siya sa stage kung kumusta ba ang kumanta nang nag-iisa. Mahirap bang mag-solo, Sam?

“Oo naman, mahirap. Pero life goes on!” sambit ni Sam na aninag ang melankolya sa mukha.

Tapos nung slot naman ni Kiana Valenciano, meron siyang sinulat na bagong kanta na may titulong “Soldier.” Tungkol ito sa isang taong may pinagdadaanang mabigat, but just has to soldier on.

Maganda ang hugot ng kanta. Ngunit sabi ni Kiana, hindi pa raw tapos at hindi pa niya ito ma-release sa ngayon. It takes time.

Oh well, kung anuman ang pinagdadaanan nila, sana makatulong ito sa kanilang artistry at sa kanilang buhay.

Salamat sa pagpapaunlak niyo sa Pinoy Playlist, Sam at Kiana!

GORGY RULA: Bakit kaya nung napabalita ang relasyon nila, may mga nagsasabing di raw sila magtatagal?

Continue reading below ↓

August 2016 naging usap-usapan ang sweet photos ng dalawa sa social media. Pero February 2017 lang umamin si Kiana na sila na ni Sam. 

Hanggang sa nitong September 2018 ay kinumpirma ni Sam na hiwalay na sila ni Kiana. 

Mas mabuti siguro mag-focus na lang muna sa career.

Parang wala pa silang napapatunayan, e.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results