Pa-machong direktor, nahumaling sa reality-show alumnus

by PEP Troika
Oct 22, 2018

NOEL FERRER: Ang bida sa ating item na itong mananatiling bulag ay isang broadcaster na nagdidirek din ng pelikula.

Pa-macho ito pero oras na nakakamamam at nakakatungga ng alkohol ay lumalabas ang pagiging berde ang dugo.

Minsan na niyang pinormahan ang isang talent ko na hindi bumigay sa kanyang pagpaparamdam.

Continue reading below ↓

Instead, isang galing reality show ang kanyang naging puntirya at naging bida ng kanyang naging flopey na pelikula.

Pagkamukat-mukat ko, may pinaplano na namang pelikula kasama yung reality show alumnus at ilang malalaking artista sana.

“OK iyan, baka pinangakuan ng bahay,” sabi ng kasamahan niyang broadcaster din.

Dagdag nito, “Galante kasi iyan kung type niya. Kaya wait and see na lang tayo.”

JERRY OLEA: Hindi ko masisi ang direktor na nahumaling sa reality-show alumnus.

Ang dakilang pag-ibig ay pambihira, sakdal sarap hanggang sukdulan!

Nakakadiliryo! Kung iyon ang ikaliligaya ni Direk, sino ako para humusga sa kanya?

Sino tayo para pumigil sa idinidikta ng kanyang puso at kaluluwa?

GORGY RULA: Talaga?

Nasalubong si Direk minsan kasama ang asawa niya at mukhang in love na in love naman siya.

At least, tahimik lang iyan kung sakaling di siya maka-score sa type niyang boylet.

Hindi kagaya ng isang direktor na di pa ganun ka-open sa kabadingan niya, kung anu-anong panlalait ang sinasabi sa isang hunky actor na tumanggi rin sa balak niyang gawin sa isang shooting.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results