Arnell Ignacio, may pangontra sa panawagang boycott sa pelikula ni Aga Muhlach

by PEP Troika
Oct 22, 2018

GORGY RULA: May inaayos palang block screening para sa pelikulang First Love ang deputy executive director ng OWWA na si Arnell Ignacio.

Mga OFW daw ang manonood, at marami raw silang karamihan ay kararating lang mula Saudi Arabia at iba pang bahagi ng Middle East.

Sabi ni Arnell, ito lang daw ang kaya niyang suporta para kay Aga Muhlach at pangontra na rin sa mga nagsasabing magbu-boycott sa naturang pelikula.

Continue reading below ↓
 IMAGE Noel Orsal

Isang bus daw ng mga OFW ang dadalhin niya sa sinehan para panoorin ang pelikulang ito nina Aga at Bea Alonzo.

Bilang isa sa sumusuporta kay President Rodrigo Duterte, umaayon siya sa mga pahayag ni Aga sa interview sa kanya ni Vice Ganda.

Sabi ni Arnell nang naka-chat namin sa Facebook kanina, “Ang sinabi ni Aga ay ang sinasabi ng napakaraming Pilipino at isa na ako roon.

“Bakit pelikula niya idadamay?

“Ako pag nagtanggol BUO. Hindi pang Facebook na satsat lang. I put my money where my mouth is.

“So to my good friend Aga, kasabay mo kaming lahat na sabihin sa kalaban na 'Stop, Collaborate and LISTEN!'”

JERRY OLEA: Marami ang nagmamahal at nagmamalasakit kay Aga sa industriya.

Sa ganitong panahon na may panawagang iboykot ang kanyang pelikula, natatanto niya ang mga tunay na kaibigan at nagpapahalaga sa kanya.

NOEL FERRER: Basta ako, pinanood at sinuportahan ko ang pelikula para kay Aga, Bea, at Paul.

Continue reading below ↓

Ibang usapan na lang kung lubusan ko itong nagustuhan.

OK lang naman.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results