NOEL FERRER: Tahimik pa lang ang lahat ngunit umuugong na ang balita.
Isang estudyante ko sa Ateneo ay anak ng isang National Artist awardee, hindi makakauwi mula Hong Kong kung saan siya nagtatrabaho dahil biglaang awarding na raw ng mga nahirang na National Artists sa Miyerkules, October 24.
Hours ago, sa tweet ni Lito Zulueta na lumabas as FB post ni Katrina Stuart-Santiago, may walong pangalang isinumite sa Malacañang for final signature ni Pangulong Rodrigo Duterte:
Nora Aunor (Film)
Kidlat Tahimik (Film)
Ryan Cayabyab (Music)
Francisco Manosa (Architecture)
Ramon Muzones (Literature)
Resil Mojares (Literature)
Larry Alcala (Visual Arts)
Ayon pa rin kay Lito, tanging ang mahal nating si Ate Guy ang hindi raw mapirmahan ang papeles.

May nadagdag na isa pang confirmed na National Artist na wala sa listahan—si Amelia Lapeña Bonifacio for Theater.
Congratulations sa lahat ng mga bagong Pambansang Alagad Ng Sining!
Malungkot ako na hindi na naman kasali si Ate Guy!
JERRY OLEA: Ligwak ganern si Nora sa pagiging National Artist noong panahon ni PNoy dahil nasangkot ito sa isyung droga.
E, may War on Drug si Du30, at hindi siya ang ikinampanya noon ni Nora kundi si Grace Poe.
Kaya hindi ako nagtaka na natanggal sa listahan si Nora.
Ilang beses ko nang nasabi noon pa, ang mga wini-wish ko na kilalanin bilang Pambansang Alagad ng Sining ay sina Ricky Lee, Eddie Garcia, at Direk Maryo J. de los Reyes.
Sa panahon ni Duterte, baka mauna pa kay Nora na maging National Artist sina Dolphy, Vilma Santos o Sharon Cuneta!
GORGY RULA: Nung nakaraang Cinemalaya ay narinig na naming si Kidlat Tahimik ang priority na pararangalan.
Pero kung ipapasok daw si Ate Guy, hindi naman daw kokontra ang mga taga-NCCA (Nationl Commission for Culture and the Arts).
Bakit tanging siya lang ang hindi ipinasok?
Pareho rin kaya ng dahilan ng kay PNoy? Sad naman para sa nag-iisang Superstar.
JUST IN: Susubukan daw i-resubmit ng CCP-NCCA ang pangalan ni Ate Guy.
Pero heto na ang reaksiyon ng iba nating kapanalig: “Ito’y tahasang pag-iisnab sa atin na hindi naman pa-high-art. An injustice to pop culture, TV and film (and even theater, which Ate Guy was part of, too!)"