Vice Ganda, nangako ng tulong sa breast cancer patients and survivors

by PEP Troika
Oct 23, 2018

JERRY OLEA: Ipinagdiwang ng Kasuso Foundation ang Breast Cancer Awareness Month nitong Oktubre 20, Sabado, sa East Avenue Medical Center, QC.

Pinaghahandaan na ni Ogie Diaz ang Christmas party ng breast cancer patients and survivors na nakikilahok sa activities ng foundation.

Continue reading below ↓
Ogie Diaz, Nino Muhlach and sons
 IMAGE Jerry Olea

“Alam niyo, nangako sa akin, magdo-donate din sa atin... si Vice Ganda!” masayang pagbabalita ni Ogie, na siyempre pa ay ipinagbunyi ng audience.

“Abangan niyo iyan sa susunod nating pagkikita. Kasi, hindi ko pa nakukuha, ‘no?! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Kasi, nagsu-show pa ang bakla.

“Pero sabi niya, ‘Sige, Mama... isama mo ako diyan.’”

Lalong nagbunyi ang audience. Kitang-kita sa mukha nila ang kasiyahan.

Continue reading below ↓
 IMAGE Mark Atienza

Pagpapatuloy ni Ogie, “Pag wala na sila... Hindi! Joke lang! Joke lang! Pag wala na sila... yun pala, umalis na kayong lahat! Ha! Ha! Ha! Ha!

“O, anyway, iyan... isa sa mga araw na ito, baka madala natin si Vice Ganda, ha? Kaya dapat panatilihin natin na ang ating mga katawan ay malalakas!

“Tayo ay masisigla, oo! Hindi lang natin nila-lang ang kanser, pero sabihin na lang natin na  ‘Kanser lang ‘yan! Mas makapangyarihan ang Diyos diyan!’ Di ba? Amen!

“Nakalagay ‘yan sa Bersikulo Tres, Talata Beynte-kuwatro... joke lang po! Hi! Hi! Hi!” hagikgik ni Ogie habang ang audience ay humahagalpak, humihiyaw, pumapadyak, o pumapalakpak.

NOEL FERRER: Mabuhay ang mga tumutulong at pagpalain din ang tinutulungan.

Mabuhay ang mga nanay at ang lahat ng nagpapasuso at tagabigay at tagapangalaga ng buhay!

Sana makatulong pa si Vice sa apostoladong ito ng dati niyang manager na si Ogie Diaz.

Sana rin Pasko na!

Continue reading below ↓

GORGY RULA: Mabuti at pinanindigan na ni Ogie ang advocacy nIyang ito.

Ibalita na lang natin uli kapag natuloy na ang pangakong tulong ni Vice Ganda.

Inaasahan ding makakasama si Liza Soberano—na discovery ni Ogie at mina-manage pa rin niya kasama ang Star Magic— sa mga susunod na pagdalaw ni Ogie sa mga pasyente.

Sabay na rin ang promote ng Darna ni Liza, na ewan ko kung kailan ang target na playdate dahil wala na tayong balita kung nag-resume na ba ng shooting. Nakakatakot na kasing mabantilawan.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results