JERRY OLEA: Mainit-init pa ang demandahang Kapamilya vs Kapamilya (sexual harassment) nina Gretchen Fullido at Cheryl Favila, heto at sumabog naman ang patutsadahan sa Twitter ng kapwa 17-anyos na mang-aawit na sina Darren Espanto at JK Labajo.

Nag-ugat iyon sa tweet ni JK na “gayness at its finest” patungkol kay Darren.
Sabi ni JK, na-hack ang kanyang account at hindi siya ang nag-tweet niyon.
Mas colorful pa sa rainbow ang paringgitan nila.
Tweet ni Darren nitong Oktubre 23, Martes ng umaga, na naka-tag kay JK, “Hindi ako lalaban sa ‘yo pagdating sa bastusan kasi alam ko naman na bastos ka gaya ng sabi mo.
“Wag mo rin sasabihin na tinuring mo akong kapatid nung The Voice kasi ang plastic nun.
“Sa korte na lang tayo magkita kung di ka masyadong busy. Sikat mo na eh, ‘brother’!”
Hindi ako lalaban sa’yo pagdating sa bastusan kasi alam ko naman na bastos ka gaya ng sabi mo. Wag mo rin sasabihin na tinuring mo akong kapatid nung The Voice kasi ang plastic nun. Sa korte nalang tayo magkita kung di ka masyadong busy. Sikat mo na eh, “brother”! @KarlosLabajo
— Darren Espanto (@Espanto2001) October 22, 2018
Aabot sa demandahan ang kanilang talakan?!
Bakit hindi na lang sila mag-boxing gaya nina Baron Geisler at Kiko Matos?
NOEL FERRER: Ang latest ay nawala na raw ang mahiwagang tweet diumano ni JK na sinasabing tinanggal pagkatapos kausapin ng “management.”
Nag-sorry rin si Darren sa LGBTQ community at wala raw siyang intensiyong maliitin ang miyembro ng komunidad.
E, ano nga kung bakla? Totoo ba o hindi, yun ang isyu. At bakit nga ba issue pa ito?
Kailangan yata ng gender sensitivity workshop ng mga batang ito.
Then we can say, as the restored version goes, “My brother is not a pig.”
Oh well, ceasefire na sana!
GORGY RULA: Minor pa sila, kaya sana kausapin na lang sila ng taga-ABS CBN at Star Magic, para tigilan na ang bangayan nila sa socmed.
Minor pa nga sila kaya mahirap na ring pag-usapan pa, lalo na kung umabot pa yan sa demandahan.
Mas type ko pa ang reaksiyon at sagot ni Piolo Pascual noong huling nakuwestiyon ang pagkalalaki: "gago ka ba?"