Marian Rivera, hindi pa alam kung boy or girl ang ipinagbubuntis

GORGY RULA: Sa susunod na buwan ay malalaman na raw kung baby boy o girl ang ipinagbubuntis ni Marian Rivera-Dantes.

Excited ang GMA Primetime Queen sa pagbubuntis niya ngayon dahil natutuwa rin daw siya sa pagkundisyon kay Zia na magiging ate na ito.

Nakikita raw niya kay Zia na excited na rin sa pagdating ng magiging kapatid niya.

IMAGE Gorgy Rula

Sa ngayon ay wala pa raw talaga silang ideya kung boy o girl.

“Halu-halo kasi, e… ang sabi nila more on babae, merong lalaki.

"Sabi ko nga, ke babae o lalaki, okay lang iyan. Importante biniyayaan uli ako,” pahayag ni Marian nang nakausap namin sa launch ng bagong endorsement niyang Reverie ng Beautederm Home kaninang hapon, October 23.

Pero ang pinaka-excited daw sa lahat ay si Dingdong.

Ito raw ang aligaga sa pag-iisip kung ano ang ipapangalan sa kanilang magiging baby.

May naisip na raw siyang name kung sakaling baby boy ito o baby girl.

Kaya sobrang natuwa raw si Marian nang mag-decide ang asawa niyang isantabi muna ang pagpasok sa pulitika nang malamang buntis siya.

“Na-touch nga ako sa asawa ko, na sabi niya, 'Mahal, ang priority ko ikaw, ang pamilya natin.'

“Crayola ako!” natatawang pahayag ni Marian.

Thankful din si Marian sa Sunday PinaSaya dahil nag-a-adjust na raw sila sa kalagayan niya ngayon.

Malaki rin ang pasasalamat ni Marian na sunud-sunod ang mge endorsement niya dahil nabawasan ang trabaho niya sa TV.

Excited siya rito sa Reverie ng Beautederm Home dahil hilig niya talaga ang scents, kagaya ng linen spray at candles na line nitong produkto.

Marian Rivera with Rhea Tan of Beautederm
IMAGE Gorgy Rula

NOEL FERRER: Buti nga at relax-relax lang si Marian now sa kanyang estado.

Less stress, dapat masaya lang.

Now with just Sunday PinaSaya and endorsements, solb na si Marian. May quality time pa siya para sa kanyang pamilya.

Saka na siguro niya gagawin yung Balon, isang magandang horror project para sa kanya mula sa APT.

JERRY OLEA: Ang ganda-ganda ni Marian sa launch ng Beautederm Home products na Reverie (home scents, from soy candles to room & linen sprays).

Kumusta kamo ang pagbubuntis niya?

“Eto po, mukhang wala pa namang pagbabago maliban lang sa konting nagpaparamdam na bump po,” nakangiting lahad ni Marian.

“So far, OK naman po. Sabi ko nga, eh, ito yung isa sa mga pangarap ko talaga—magkaroon ng maraming anak, na marami talaga.

“Ngayon na buntis ako, ini-enjoy ko talaga siya. So, sana, biyayaan pa.

"Hindi pa nga lumalabas, humihiling na ako. Kasi, gusto ko, marami."

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN