Pia Wurtzbach, di puwedeng tanungin tungkol kina Gerald Anderson at Bea Alonzo?

by PEP Troika
Oct 23, 2018

GORGY RULA: Katatapos lang i-launch si Pia Wurtzbach bilang bagong calendar girl ng Ginebra San Miguel ngayong gabi, October 23.

 IMAGE Gorgy Rula

Pinaghandaan nang husto ang naturang launching na ginanap sa EDSA Shangri-La, dahil bahagi ito ng malaking selebrasyon ng 185th year ng kumpanya sa susunod na taon.

Kaya naman si Miss Universe 2015 Pia Wurztbach ang kinuha nilang Ginebra Girl 2019.

Continue reading below ↓

Ibinahagi ni Pia ang preparasyon niya para sa pictorial ng calendar.

Hindi raw siya ganun ka-happy sa katawan niya noon, kaya humingi siya ng kaunting panahon to prepare.

“You guys will see that I go to the gym every day.

“My trainor who’s actually also the one who trained me for Miss Universe, based in Australia.

"So, sa app lang kami nag-uusap, and then… it’s really about the discipline you know,” pakli niya.

Maganda na rin daw na dahil sa calendar pictorial bumalik sa dati ang magandang katawan niya, at natutuwa siya dahil parang mas maganda pa raw ito ngayon kumpara nung sumali siya sa Miss Universe.

“I told myself na I wanna make this a thing now na hindi lang dahil nag-prepare ako for a shoot. But I wanna continue na healthy living na talaga,” dagdag niyang pahayag.

Nabanggit din ni Pia na mayroon siyang gagawing show sa ABS-CBN na parang reality show, pero hindi pa niya alam kung sino ang makakasama niya.

Continue reading below ↓

Kaya sinundan ng tanong na kung sakaling si Gerald Anderson ang makakasama niya, okay lang ba sa kanya.

Hinarang ang tanong na yun at hindi na siya pinasagot.

May follow-up question uli tungkol kay Bea Alonzo, hinarang uli yun.

May babaeng nakatabi talaga sa Miss Universe 2015 para mag-screen ng mga tanong.

Kapag tungkol sa isyu kina Gerald at Pia, kaagad itong hinaharang at smile lang ang Pia Wurtzbach.

JERRY OLEA: Harang pa more! Ano ba ang ikinakatakot nila at ayaw ipasagot kay Pia Wurtzbach ang tungkol kina Gerald Anderson at Bea Alonzo?!

At least, andiyan pa rin si Marlon Stockinger na sumusuporta sa pagkaseksi-seksing si Pia kahit nagkaisyu sa kanila ni Gerald kaugnay sa pelikulang My Perfect You.

NOEL FERRER: Idagdag pa sa puwedeng itanong kay Pia ang tanong ni Bea Alonzo sa mukha niya sa Gandnag Gabi Vice sa guesting na, "Bakit?"

Sana nga ay masaya na lang si Pia.

Continue reading below ↓

At kung dami ng endorsements ang sukatan, wagi nga siya.

Wagi rin kaya siya sa pag-ibig?

Bakit ang mga nakapaligid sa kanya’y tikom din ang bibig kapag si Marlon na ang usapan?

Oh well, moving on and moving forward na dapat si Pia.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results