Mr. World Philippines 2018 JB Saliba, favored to win?

JERRY OLEA: Ang 25-anyos na si JB Saliba ang itinanghal na Mr. World Philippines 2018 nitong Oktubre 23, Martes ng gabi, sa Newport Performing Arts Theater, Resorts World Manila, Pasay City.

IMAGE Jerry Olea

Tubong-Olongapo City si JB (candidate #14), dating player ng baseball team ng UP Maroons, at nag-aartista na rin.

Lalaban siya sa susunod na 10th edition ng Mr. World na gaganapin sa Marso 2019 sa Pilipinas.

Ang 25-anyos na si Marco Poli (candidate #8, taga-Matabungkay, Batangas) ang nagtamo ng titulong Mr. Supranational Philippines 2018.

Half-Italian si Marco, na isang football player. Lalaban siya sa 3rd Mr. Supranational sa December 8 sa Poland.

Ang 20-anyos na si Robin Hanrath (candidate #4, mula sa Bay, Laguna) ang hinirang na Mr. Eco Philippines 2018.

Graduating student si Robin ng kursong Agricultural Economics sa UP Los Baños. Lalaban siya sa Mr. Eco International sa Cairo, Egypt.

Ang 24-anyos na si Denver Hernandez (candidate #2, mula sa Malvar, Batangas) ang napiling Mr. Multinational Philippines 2018.

Lalaban siya sa kauna-unahang patimpalak ng Mr. Multinational sa New Delhi, India.

NOEL FERRER: Parang favored to win na si JB Saliba dahil based sa mga nag-greet sa kanya na taga -showbiz, may undue advantage na siya sa ibang candidates.

In fact, sa post mismo ni JB sa social media, kasama siya sa pelikulang Because I Love You na ang bida ay sina Martin del Rosario and David Licauco.

View this post on Instagram

On the set now of #BecauseILoveYou �??��??? @davidlicauco @bryanbenedict_ @timlawrenceyap @martinmiguelmdelrosario

A post shared by JB Saliba (@jbsaliba) on

The movie is produced by the same producer of the Mr. World Pageant, si Arnold Vegafria.

Meron pa nga siyang pictorial with David and Martin, na ang balita’y isa members ng jury.

Oh well, baka nga career move yun, like what Chanel Morales did in the Miss World pageant.

JERRY OLEA: Labing-anim ang finalists ng Mr. World Philippines 2018. Apat ang nagkamit ng titulo.

Ang first runner-up ay ang 27-anyos na si Ameen Sardouk (candidate #9, taga-Parañaque), at ang second runner-up ay ang 27-anyos na si Wilfred Palencia (candidate #11, taga-Dumaguete City).

Pasok din sa Top 8 sina Joy Jerome Evangelista (na-fast track bilang Mr. Talent), at si Abdullah Sharif Cheng.

Ang isa pang na-fast track ay si Denver Hernandez bilang Mr. Multimedia Challenge.

Ang Mr. Photogenic ay si Robin Hanrath, at ang Best in Formal Wear ay si Marco Poli.

Ang Mr. Bench ay si Denver Hernandez, at ang Mr. Bench Body ay si JB Saliba.

GORGY RULA: Ang titleholders ay may exclusive contract daw sa Regal Films mula worth PHP300,000 hanggang PHP1 million.

Diyan lang ako medyo naaalangan kasi hindi naman mukhang artista ang ibang winners.

Good luck na lang!

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN