Mga kakaibang nilalang, magsisilabasan sa Takutan Sa Burgos 2018

by PEP Troika
Oct 25, 2018

JERRY OLEA: PHP152,000 (one hundred and fifty-two thousand pesos) ang nakalaang cash prizes sa 13th Takutan sa Burgos (Halloween Parade & Street Party) na gaganapin sa Oktubre 26, Biyernes ng gabi, sa P. Burgos St., Brgy. Poblacion, Makati City.

Magpapasiklaban dito ang mga diwata at maligno, zombies at cosplayers, ang mga bampira, aswang, impakto, mangkukulam, mambabarang, engkantada, at kung anu-ano pang nilalang.

Continue reading below ↓

Apat na kategorya ang paglalaban.

Sa kategoryang GROUP SCARY, 20-10-5 ang labanan. Ibig sabihin, ang grupong pinaka nakakahilakbot ay mag-uuwi ng PHP20K.

Ang first runner-up ay may PHP10K, at ang second runner-up ay may PHP5K. Dalawa ang conso na tig-PHP3K.

Kaya para sa kategoryang group scary ay PHP41K ang cash prizes.

Tatlo ang solo category... SOLO SCARY, FANTASY, at COSPLAY.

Sa bawat solo category, ang pinaka-bonggacious ay magtatamo ng PHP15K, ang 1st runner-up ay may PHP10K, at ang 2nd runner-up ay may PHP5K. Sa bawat solo category ay may pitong conso na PHP1K each.

So, bale PHP37K sa bawat solo category. Multiply that by 3 and you get PHP111K.

Kaya tumataginting na PHP152,000 ang total cash prizes! Cash, hindi tseke, gift check, or in kind!

Pre-registration ngayong Miyerkules at Huwebes ng 9:00 P.M sa Bourbon Street Bar at Mixed Nuts Bar.

Ang final registration ay sa Biyernes nang 3:00-7:00 P.M.

Continue reading below ↓

LIBRE po ang registration. Walang bayad!

Lahat ng kategorya ay open sa edad 18-anyos pataas, Pinoy man o banyaga. Bawal ang mga tiyanak!

Bawal din ang paggamit ng apoy, pati matutulis o babasagin na bagay. Bawal din ang mga naka-drugs!

Para sa mga detalye, makipag-alam sa 09162695615 (Juancho) o 09298265492 (Michael).

Awooooohhhhh!!!

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Sino kaya sa mga popular TV characters ang a-appear at popular sa mga magti-Trick or Treat—si Cardo ba ng Ang Probinsyano o si Victor Magtanggol?

Sino pa kaya ang nandun? Mga Sang'gre kaya o sino pa ba ang popular na Halloween characters?

Abangan!

JERRY OLEA: Magtatrapik sa may Makati Avenue, Makati City, sa Friday night habang ongoing ang 13th edition ng Halloween parade na ito.

Dinudumog kasi ito taun-taon ng participants at manonood.

Last year nga, kahit bumuhos ang malakas na ulan ay tuloy ang party at nagsayawan ang mga tao kesehodang basambasa.

Wish ko lang na mag-alay ng mga itlog ang organizers para maganda ang panahon sa Friday night.

Sino kaya ang dapat pag-alayan ng mga itlog? Sina Michael Myers at Freddy Krueger?

Mas marami ang may premyo this year dahil apat ang kategorya.

Sa group category, lima ang panalo. Sa bawat solo category, sampu ang wagi. Kaya ang PHP152K ay paghahati-hatian ng 35 winning entries.

Continue reading below ↓

GORGY RULA: Ilan sa mga celebrity na talagang pinaghahandaan ang Halloween ay ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Sabi nga ni Marian sa launch ng Reverie noong October 23, may napili na silang costume at excited na si Zia na isuot ito.

Abangan na lang daw sa Instagram nila.

Read Next
Read More Stories About
pep troika
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results