Aspiring actress Marie Preizer, idol sina Nora, Vilma, at Liza

JERRY OLEA: Mahusay mag-Tagalog ang bagong alaga ni Leo Dominguez, ang 17-anyos na si Marie Preizer na ipinanganak at lumaki sa Vienna, Austria.

IMAGE Jerry Olea

Trilingual ang dalagitang half-Austrian. Maliban sa mother tongue niyang German, fluent din siya sa English.

Ang kanyang ina ay writer-director sa theater, kaya two years old pa lang ay exposed na siya sa showbiz.

Ang kanyang ama—na pumanaw noong seven years old si Marie—ay light designer sa Vienna State Opera.

Noong bata pa si Marie ay tuwang-tuwa sa kanya si Placido Domingo, ang tanyag na Spanish opera singer/conductor/songwriter.

May dugong-showbiz si Marie.

Ang nanay niya na isang de Vera ay kamag-anak ni Rosemarie de Vera (Sambahin Ang Ngalan mo). Kadugo rin niya sina Fritz (Dobol Trobol: Lets Get Redi 2 Rambol!) at Eddie Ynfante (Sister Stella L).

Hindi niya alam kung related siya kay JC de Vera.

Ang lola niya ay mahilig manood sa TFC (The Filipino Channel) kaya nahasa siya sa pagta-Tagalog, at exposed sa Filipino culture.

Paborito ni Marie sina Vilma Santos, Nora Aunor, Dolphy, at Liza Soberano.

Nakita ni Marie si Vilma sa 80th bday party ni Mother Lily Monteverde noong Agosto 19, pero hindi niya ito nalapitan.

Ang dream role ni Marie ay Dyesebel.

Maraming kamag-anak si Marie sa Iriga City, ang hometown ni Nora.

Ang pangalan ng ina ni Marie ay Liza.

Parehong Marso 5 ang birthday nilang mag-ina.

Limang taon ang pinirmahang kontrata ni Marie kay Leo Dominguez.

GORGY RULA: Willing si Marie na magsimula from the scratch, sabi niya.

Pinaghahandaan na niya ang intensive acting workshop na papasukan niya.

Kaya isasantabi muna niya ang pag-uwi ng Vienna, hanggang sa mag-debut siya rito.

Sobrang miss na raw ni Marie ang mga kamag-anak niya sa Vienna, kaya gusto sana niyang makatsikahan at maging friends na rin ang showbiz personalities na may dugong German.

Ilan sa mga kilalang matatas magsalita ng German ay sina Marc Neumann at Maureen Wroblewitz.

JERRY OLEA: Napili si Marie ng isang comebacking action star para sa indie movie nito.

Mabait ang pakikitungo ng aktor, na more than twice ang edad kumpara kay Marie.

Naloka ang ina ni Marie na the next day, nagyaya ang comebacking actor sa dalagita para mag-dinner date.

Siyempre, tumanggi si Marie. Hindi rin natuloy ang paglabas niya sa indie movie.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN