Kiray Celis, walang isyu sa billing basta maayos ang talent fee

by PEP Troika
Oct 25, 2018

GORGY RULA: Inihayag ni Kiray Celis na mayroon siyang close friend na isang direktor na nagrereklamo na tila naapi raw siya sa billing ng pelikulang Class of 2018 ng T-Rex Entertainment.

 IMAGE Gorgy Rula

Napansin nga namin sa poster ng pelikula na nasa huli ang pangalan ni Kiray kahanay ang mga kasamahan niya dati sa Goin' Bulilit na sina CJ Navato at Kristel Fulgar.

Continue reading below ↓

Nasa taas ng poster ang pangalan ng dati ring Goin' Bulilit mainstays na sina Nash Aguas at Sharlene San Pedro.

Apektado raw ang kaibigang direktor ni Kiray dahil hindi nga naman niya deserved na ihuli ang pangalan.

Pero ipinagkibit-balikat lang ito ni Kiray dahil hindi naman daw isyu sa kanya ang billing.

“Wala naman pong problema basta bayad lang po ako nang maayos,” sabi niya.

Patuloy ng 23-year-old comedienne, “Wala po talagang problema totally.

“Wala man akong pangalan, wala man ako sa poster, it doesn’t matter po."

Nakapanayam namin si Kiray at iba pa niyang co-stars sa mediacon ng pelikulang Class of 2018, na ginanap ngayong araw, October 25.

Continue reading below ↓
 IMAGE @prodsthatmatter Twitter

Sabi naman ni Nash, maganda ang samahan nila sa grupo ng Goin' Bulilit, kaya hindi raw nila iniisip kung kaninong pangalan ang dapat mauna o saan ito ilalagay.

Paliwanag ng binata, “Yun po ang advantage na galing kami Goin' Bulilit.

“Kumbaga, wala kaming pakialam kung may billing-billing na ganyan, kung sikat kami or ano.

“Basta na-train kami na maganda yung ginawa mo, importante yung trabaho mo. Yun yung nagma-matter, kasi yun yung magbubuhat sa iyo, e.”

Dugtong ni Sharlene, “Basta parte kami dun sa nagpaganda sa pelikula, kasi hindi naman nila kaya na sila lang, e.”

Silang lahat na galing sa Goin' Bulilit ang magdadala ng pelikula at aminado silang may pressure sa kanila ito kung kakagatin ba ng mga tao o hindi.

Kasama rin nila rito ang bida dati sa pelikulang Seklusyon na si Johnvic de Guzman at mga bagong mukha na mga T-Rex talents.

Si Charliebebs Gohetia ang direktor nitong suspense-thriller na Class of 2018 na magsu-showing na sa November 7.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA: Dalawang beses nang nagbida sa pelikula si Kiray, kaya sana ay huwag siyang apihin sa billing.

Si Rufa Mae Quinto, inapi sa billing ng movie ni Alex Gonzaga na Nakalimutan Ko Nang Kalimutan Ka.

Hinayaan na lang iyon ni P-chi, nickname ng comedienne.

Iyong next movie niya, yung Bagyong Bheverlynn, na ipinalabas sa Cinema One Originals film fest ay bidang-bida siya.

Kailan naman kaya magbibida uli si Kiray?

NOEL FERRER: Kung hindi issue ang billing ay hindi sana ito ang naging tuon ng pagkukuwento sa presscon.

Siguro ang napansin ay ang pagka-miss kay Kiray bilang bida.

Ibig bang sabihin, nag-wear off na ang novelty ni Kiray?

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results