Solenn Heussaff, pumayag mag-topless para sa manananggal role

JERRY OLEA: “Ang galing-galing ni Solenn!” bulalas ni Direk Adolf Alix Jr. nang makatsika namin nitong Oktubre 25, Huwebes, sa Arlington Memorial Chapels & Crematory, Araneta Avenue, Quezon City.

Ang tinutukoy ni Direk Adolf ay ang mapangahas na pagganap ni Solenn Heussaff bilang manananggal sa horror movie na Misterio de la Noche.

Benjamin Alves and Solenn Heussaff
IMAGE Courtesy of Adolf Alix Jr.

R-18 ang target rating ng pelikula, kaya hindi umasa si Direk Adolf na makapasok iyon sa Metro Manila Film Festival.

“Dati, puwede pa sa MMFF yung pang-adults na movie like Ang Babae sa Bintana [1998], pero these past few years, wala na,” sambit ni Direk Adolf.

OK sanang pang-Halloween ang naturang movie, ngunit masikip ang playdates sa mga panahong ito.

If ever, pam-Valentine na lang siguro, ‘no?!

“Love story naman siya. Pero ibang hugot ang nangyari sa kanya,” sambit ni Direk Adolf.

Ipinasilip ni Direk sa amin ang eksena ni Solenn bilang manananggal na pumapagaspas ang mga pakpak.

Topless si Solenn!

Ang katambal ni Solenn sa movie na si Benjamin Alves ay mapangahas din siyempre, at kakaiba ang atake nila sa isa’t isa.

Masidhi!

Solenn Heussaff, Benjamin Alves, Radha, and Gina Alajar
IMAGE Courtesy of Adolf Alix Jr.

NOEL FERRER: Hindi ko pa napapanood ang pelikula, pero sexy nga raw ito.

Ang feedback pa ng ilan, parang bordering on soft porn na.

Gaano kaya ka-daring ito?

Sige nga, aabangan natin.

GORGY RULA: So, nalilinya ngayon sa horror si Direk Adolf?

Horror din ang gagawin niya kay Kris Aquino, pero matutuloy pa ba yun?

Mabuti na ring magpaka-busy na muna si Direk Adolf sa paggawa ng pelikula para kahit papaano makalimot siya sa magkakasunod na pagkawala ng mga magulang niya.

Nakikiramay po kami.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN