JERRY OLEA: Charot at its finest ang tweet ni Ethel Booba nitong Oktubre 25, Huwebes ng hapon.
Na-inspire kuning-kuning si Rufa Mae Quinto at nag-tweet ng “retoke at its finest” na naka-tag si Ethel.

Hugot ni Ethel ala-Darren Espanto, “Timing ‘no? Dinelete ng ‘hacker’ mo yung tweet na ‘to after kang kausapin ng management.
“Pag nahanap mo yung hacker mo puntahan niyo ako para malaman niyo kung sino yung totoong RETOKADA. @imrufamaequinto Charot!”
Timing ‘no? Dinelete ng “hacker” mo yung tweet na ‘to after kang kausapin ng management. Pag nahanap mo yung hacker mo puntahan niyo ako para malaman niyo kung sino yung totoong RETOKADA. @imrufamaequinto Charot! pic.twitter.com/ZkmdMaMgQF
— Ethel Booba (@IamEthylGabison) October 25, 2018
Patok na patok ang mga charot-charot nina Ethel at Rufa Mae sa YouTube channel na Battle of the Boobas.
Makabagsak-panga ang kasunod na tweet ni Ethel, hango sa 2005 song na "Bagsakan" (mula sa album na Halina sa Parokya) ng Parokya ni Edgar tampok sina Gloc-9 at FrancisM...
�??��??� Magbabagsakan dito.
— Ethel Booba (@IamEthylGabison) October 25, 2018
Babanat na si..... Elmo. �??��??� Charot!
Malinaw na ang tinutukoy ni Ethel ay si Elmo Magalona, na sangkot ngayon sa isyung may sakitan with Janella Salvador.
GORGY RULA: Medyo off lang kapag kasamahan mo sa industriya ang inuupakan mo, dahil darating ang araw, maaaring magkatrabaho kayo.
Kaya sana medyo dahan-dahan din si Ethel dahil kahit alam mo namang nagpapa-cute lang siya sa mga nakakaaliw niyang komento, nakakasakit na siya minsan.
Actually, bagay siyang mag-host ng isang talk show, pero may pagka-luka luka si Ethel at baka mabitin lang niya ang programa.
Magpaandar na lang siya sa Twitter account niya o kaya mag-blog na lang kaya siya?
NOEL FERRER: Ano yun, totoo bang naniniwala si Ethel Booba sa mga sinasabi niya o para maiba at mapansin lang?
Saan nanggagaling ang kanyang comments? May consistent ba siyang prinsipyo na isinusulong o wala lang?
What does Ethel Booba stand for? Gaano ba siya kaiba kay Mocha Uson?
Inaabangan ko pa rin ang pagwa-one-on-one nila sa mga issues.
Natatakot lang ako na baka sa huli, lumabas nga they are made of the same stuff.
Sana mali ako.