Bela Padilla, gustong makilala ng isang pulitikong may balak nang mag-asawa

by PEP Troika
Oct 25, 2018

GORGY RULA: Round trip ticket to Hong Kong with free hotel and pocket money ang pabuya ni Atty. Ferdinand Topacio sa kung sino man ang magpapakilala kay Senator Sherwin Gatchalian sa aktres na si Bela Padilla.

 IMAGE Noel Orsa

“Ang problema kasi ni Senator Win, e, gusto na niya mag-asawa, at si Bela nga ang gusto niyang makilala.

Continue reading below ↓

"Wala namang mahanap na pagkakataon.

“Baka naman kayo makagawa ng paraan na magkakilala sila.

"Magbibigay ako ng pabuya na trip to Hong Kong pag napakilala nyo si Bela kay Senator Win Gatchalian,” pahayag ni Atty. Topacio nang aming nakapanayam sa programa naming Showbiz Talk Ganern ng DZRH kagabi, October 25.

“Walang biro iyan, ha? Hindi akong nangtsa-charot, ha?” dagdag pa ng kontrobersiyal na abugado.

Si Atty. Topacio ang isa sa mga malapit na kaibigan ni Senator Gatchalian dahil kabilang siya sa legal team ng ama nitong si William Gatchalian.

Nang tumakbo si Senator Gatchalian nung 2016 elections, si Atty. Topacio ang isa sa sumuporta sa pangangampanya nito, at hanggang ngayon ay naging close daw sila.

Napag-usapan daw nilang gusto na ni Senator Gatchalian na lumagay sa tahimik at nakita raw niyang tila interesado itong magkakilala sila ni Bela.

“According sa aking kaibigan, si Bela… she topped among the rest pagdating sa mga artista.

Continue reading below ↓

"She is not only lovely, but she is talented and she is intelligent.

“Di ba, gumagawa siya ng sariling script, di ba? Nagpu-produce pa ng sariling pelikula.

“Ibang klase talaga si Bela. Hindi lamang maganda, matalino pa.

“Palagay ko karapat-dapat na maging asawa ng isang senador.

“Ikararangal ng isang senador o kahit na sinong lalaki for that matter na kung maging kasama niya sa buhay ay si Bela Padilla,” sabi ni Atty. Topacio tungkol sa aktres.

Ewan ko lang kung aware si Senator Gatchalian na may ganung offer si Atty. Topacio para makilala lang nito si Bela Padilla.

Susubukan pa naming kontakin ang 44-year-old senator para malaman kung gaano nga siya kainteresado sa aktres.

Si Senator Gatchalian ay naging boyfriend ng aktres na si Pauleen Luna.

JERRY OLEA: Suggestion ko, magpa-block screening si Senator Win Gatchalian ng MMFF 2018 entry nina Vice Ganda at Bela Padilla na Fantastica!

Magandang panimula iyon para maging magkaibigan sina Bela at Sen. Gatchalian, di ba?!

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Bakit naman si Bela? At bakit ipinadaan sa media?

I’m sure maraming ibang paraan para makilala si Bela nang mas pribado at hindi na ipinanaglalandakan.

Hindi naman reelectionist si Senator Sherwin. I’m sure there are other ways.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results