JERRY OLEA: Best Actor si Eddie Garcia sa 14th Cinemalaya filmfest noong Agosto para sa martial law film na ML.
Ngayong Oktubre, best actor na naman si Eddie sa 6th QCinema filmfest para sa Hintayan ng Langit.

Sa MMFF 2018 ay may filmfest entry ang 89-anyos na aktor, ang Rainbow’s Sunset, katambal si Gloria Romero.
Si Eddie kaya ang magbe-best actor sa December filmfest?
O kakabugin siya ng sino man kina Dennis Trillo (One Great Love), Jericho Rosales (The Girl in the Orange Dress), Vic Sotto (Jack Em Popoy), Coco Martin (Jack Em Popoy), Vice Ganda (Fantastica) o Sam Milby (Mary, Marry Me)?
GORGY RULA: Mas magaling si Manoy Eddie sa Hintayan ng Langit kesa sa ML na ipinanalo niya sa Cinemalaya.
Pero sabi ng mga nakapanood sa Rainbow's Sunset, napakagaling din niya rito kaya posibleng makuha niya ang Best Actor trophy sa MMFF. Deserved naman niya.
Nakakabilib na sa edad niya, nagagawa pa ni Manoy Eddie ma maglagare sa taping niya ng Ang Probinsyano at mga pelikulang ginagawa niya.
Hinahanap daw kasi ng katawan niya ang araw-araw na trabaho.
NOEL FERRER: This must really be Tito Eddie Garcia’s lucky year.
After his best actor win in Cinemalaya, heto naman ngayon ang QCinema.
Napanood ko ang pelikulang Hintayan Ng Langit, masasabi mong hindi madali ang magpakawala ng maraming salitang sinaunang Filipino sa pelikula.
Nakayanan ni Tito Eddie yun, pati na ang napaka-tearful confrontation nila ni Tita Gina Pareño sa huli na sobrang galing!
At napaniwala nila ang lahat na kailangang harapin ang mga unfinished business, at saan man kayo mapadpad ng partner mo, iba pa rin yung inaayos at ipinaglalaban mo ito hanggang sa huli.
So move over now Tita Gina, here comes Tito Eddie entangled in a complicated relationship with Gloria
Romero and Direk Tony Mabesa.
Matuk niyo? Sa Pasko na iyan!!!
Sana sa darating na MMFF, tangkilikin pa rin ng mga manonood ang Rainbow’s Sunset at makita ang creativity at adjustment ng staff at crew, lalo pa’t sobrang Pagoda Cold Wave lotion na rin si Tito Eddie Garcia dahil sa paglalagari sa mga TV at movie sets pero go go go pa rin siya sa mga nakakatuwang eksena.
Eddie Garcia for National Artist Movement?
Iyan na yata ang clamor ng mga tao na susunod na bibigyan ng espesyal na gawad. Paano na si Ate Guy?