Pokwang, nanalong best actress nang gamitin ang pangalang Marietta Subong

JERRY OLEA: Best Actress si Ai-Ai delas Alas sa 14th Cinemalaya filmfest noong Agosto para sa School Service.
Sampu ang entries sa filmfest na iyon.

Sa 3rd ToFarm filmfest noong Setyembre ay bida si Pokwang sa Sol Searching, isa sa anim na official entries.-

Akala ko, it’s Pokwang’s turn.

IMAGE Courtesy of QCinema

Kaso, taob si Pokwang sa baguhang si Mai Fanglayan na first movie ang Tanabata’s Wife.

Ngayong Oktubre ay bida naman si Marietta Subong (tunay na pangalan ni Pokwang) sa Oda sa Wala, isa sa limang entries ng 6th QCinema filmfest.

Sabi noon ni Pokwang sa presscon ng ToFarm ay Nora Aunor ang akting-aktingan niya rito.

Wala si Pokwang sa presscon ng QCinema, pero andoon ang scriptwriter-director na si Dwein Baltazar, na nagsabing hindi niya maatim na Pokwang ang gamiting screen name ng aktres sa pelikula dahil seryoso ang akting nito roon.

Ayun!

Best actress si Marietta Subong!

Best director at best scriptwriter si Dwein!

Best film ang Oda sa Wala!

GORGY RULA: So, pang-award ang Marietta Subong, at di kaseryo-seryoso ang Pokwang?

Pero alam niyo, ang pagkakaalam ko, di type ni Ai-Ai na pagsabungin sila ni Pokwang.

NOEL FERRER: Pokwang’s performance in Oda Sa Wala will long be remembered sa mga award-giving bodies next year.

Hindi siya madali. Kinakausap at inaasikaso niya ang patay habang nag-eemote siya na waley na siyang perang pambayad sa mga utang niya.

Masaya ako dahil na-elevate na ang regard kay Pokwang bilang seryosong aktres!

At totoo namang kahit sa mga teleserye at sa MMK at Ipaglaban Mo niya, iba ang hugot ni Marietta Subong.

Oh well, happy ako kay Pokwang talaga, in as much as happy din naman ako kay Ai-Ai (lalo pa’t nakuha na niya sa wakas ang Cinemalaya Best Actress Balanghai trophy niya this week).

Inevitable lang yata na magkakatapat sina Ai-Ai at Pokwang sa award-giving bodies next year.

Pero I’m sure they are beyond those.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN