JERRY OLEA: Ang ganda ng intro kay Regine Velasquez bago siya sumalang sa stage ng ASAP in Sydney na ipinalabas nitong Oktubre 28, Linggo ng hapon, sa ABS-CBN.

Matapos ang solo song ni Regine na "Dadalhin" ay nag-duet sila ng asawang si Ogie Alcasid ng "Pangako," na sinundan ng casual tsikahan nila with Piolo Pascual and Gary Valenciano.
Sabi ni Piolo, “Welcome back, Reg!”
“Hindi ako makapagsalita, baka umiyak na naman ako,” nakangiting sambit ng Asia’s Songbird.
“Maraming-maraming salamat po, mga Kapamilya for welcoming me here... again here in ASAP.
“It’s been awhile, and I am so excited. Gary V, you don’t know how excited I am to be performing with you again,” hirit ni Regine kay Mr. Pure Energy, bago humarap kay Piolo at sinabi naman ditong, “and to be looking at you.”
Cue na iyon ni Ogie para magpa-cute kaya binago ni Regine ang hanash kay Piolo, “To sing with you!”
Banter-banter pa sila bago nagpakilig si Regine, “I love you, honey! Gusto ko lang pong sabihin na ang asawa ko ay napaka-supportive. He’s a wonderful person, and he makes me laugh all the time.
“At kahit may Piolo Pascual ako dito sa kabila, ikaw pa rin ang mahal ko!”
Nagpasalamat muli si Regine at ipinagdiinang, “I am happy and so excited to call myself now a Kapamilya!”
Lahad ni Ogie, kung merong #JoshLia at #KathNiel, pakatandaan din ang tandem nila ni Regine na #OgRe.
Dagdag ni Ogie, “Napakaganda, madaling tandaan. Tandaan n’yo lang po si Shrek!”
GORGY RULA: Kapuso fans day at bazaar ang pantapat ng Sunday Pinasaya.
Mapaangat kaya ni Regine ang rating ng ASAP na madalas natatalo ng Sunday PinaSaya?
Ang latest, may malaki raw na pagbabago sa programa. Mag-reformat kaya sila?
Totoo kayang sa pagpasok ni Regine, may matatanggal naman?
Meron pa raw staff na matagal nang nasa ASAP na tinanggal?
NOEL FERRER: This just in... confirmed ang pagre-reformat at pagbabalasa ng staff sa ASAP.
Under na sa unit ni Lui Andrada ang programa kaya expected na papalitan ang una pa naming nakasama na sina Joyce Liquicia at Dido Camara, isang headwriter, at apat na segment producers.
Kung ano ang magiging epekto nito sa show, we can only hope for the best.
Change is coming indeed!