Airline crew, na-shock sa biyaheng langit escapade ng kilalang aktor at singer-actress

NOEL FERRER: Sa aking mabilis na biyahe sa Bangkok this weekend, ang daming mga balita tungkol sa mga kababalaghang nangyayari sa eroplano.

Madalas ay takaw-pansin ang mga artista dahil ibang klase silang magpahayag ng kanilang kalayaan at kapangahasan.

Una na ang dalawang sikat na personalidad na ikina-shock ng mga crew dahil dun mismo sa business class section nila ginawa ang kababalaghan, at ang ulo ng babaeng starlet-singer ang naghatid sa langit sa TV host.

Iba rin ang drama ng isang kilalang aktor na nagkulong sa lavatory kasama ng isa ring kilalang singer-actress.

Sa dalawang items na ito, sa ikalawa ako halos hindi makapaniwala.

Pero siguro naganap ito nang parehong single and ready and able to mingle ang dalawa.

Kaya wala na tayong masasabi kundi siguro’y grabe ang passion nila noon kaya ibang biyahe ang kanilang inabot!!!

JERRY OLEA: Biyaheng langit!

Ang sikat na personalidad at ang kilalang aktor ay magkaibigan.

Maraming magagandang babae ang naugnay sa kanila.

Nagkasama sila sa ilang maaksyong pelikula noong 1990s.

Pareho silang kumakanta.

Ang starlet-singer (babae sa business class section) at singer-actress (babae sa lavatory) ay magkaiba ng level at circle of friends.

The Who ang status sa showbiz ng starlet-singer, samantalang ang singer-actress ay pinagpupugayan dahil sa kanyang kahusayan.

GORGY RULA: Yung unang kuwento, Sir Noel, matagal nang napag-usapan iyan.

Lumala nang lumala ang kanilang pinagsamahan kaya di maganda ang kanilang paghihiwalay.

True din iyang nangyari sa pangalawang couple na tsika mo.

Marami pa ang nakakita sa kanila na magkabalikan sila.

Matagal na iyan, nung single pa si girl at si guy ay di pa hiwalay sa kanyang asawa.

Sa totoo lang, ang dami naman talaga nagnanasa kay girl dahil ang sexy.

Pero nung pumutok ang isyung iyan, pareho nilang dini-deny.

Respeto na lang din kay kilalang aktor at mabait naman si singer-actress kaya di na nai-push ang kuwentong yan.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN