Janella Salvador at Marco Gumabao, spotted sa restobar kunsaan nangyari ang diumano'y alitan ng ElNella

by PEP Troika
Oct 29, 2018

NOEL FERRER: Papuntang Calgary, Vancouver, at Toronto sa Canada sina Elmo Magalona at Janella Salvador kasama sina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Wacky Kiray, at Negi for a series of shows sa November.

 IMAGE CTTO / @superjanella Instagram

Paano kaya haharapin ng ElNella ang fans nilang nag-threaten na hindi sila susuportahan lalo nang inilabas ni Janella sa publiko ang kanyang mga alegasyon kay Elmo?

Continue reading below ↓

Isang bersiyon ng diumano’y na-trauma na si Janella ang naisapubliko, at wala pang sagot ang kampo ni Elmo rito.   

Kaya kailangang mag-ingat din tayo sa pag-aakusa dahil lahat yun ay “diumano” o allegations pa lamang.  

Marapat nang gamitin ang qualifiers na “alleged” at “allegedly” sa tuwing mababanggit ang mga akusasyong ito ni Janella kay Elmo.

Recently, there have been videos of Janella partying in The Island restobar sa Bonifacio Global City, Taguig City.

It was the same restobar where the alleged incident involving Janella and Elmo happened last September.

Continue reading below ↓
 IMAGE CTTO

The alleged sighting of Janella and Marco Gumabao, in full view of other people at the said restobar, was taken after the concert of Mario Mortel last October 26.

Is she trying to provoke Elmo into answering her allegations?

Parang kebs naman ni Elmo na nanatiling tahimik sa mga ipinupukol na isyu sa kanya.

Oh well, Janella has decided to go public just like how her mom handled past issues involving the young actress.

Janella even said, “I believe only in dating for marriage.”

So there you go. Kung minsan, less said, less mistakes.

GORGY RULA: True ka, Sir Noel! Kaya tama nang manahimik na lang si Elmo.

Sa ganyang kaso, ang lalaki talaga ang talo. Mas pinapakinggan ang panig ng babae.

Pero malay natin, baka maganda naman ang kalabasan ng pagsama nina Elmo at Janella sa show sa Canada.

Sana magkaroon ng pagkakataong magkausap at magkaayos sina Janella at Elmo.

Continue reading below ↓

Huwag munang pakinggan ang mga taong nasa paligid nila. Silang dalawa lang at walang makikialam.

Malay natin, baka kagaya rin ng kina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado ang kanilang ending.

Na mas mainit ang pagmamahalan sa pangalawang pagkakataon, pagkatapos ng diumano’y umbagan ilang taon na ang nakararaan.

Sabi nga ng karamihang dumaan sa ganung kaso, iba raw talaga ang pag-iibigan sa pangalawang pagkakataon.

Wala lang may makialam, at huwag nang isapubliko.

JERRY OLEA: Tatlong gabi ang One Magical Night 2018 Tour ng KathNiel at ElNella.

Anong malay natin, magkaroon ng “magic” sa Canada... magkapatawaran sila, at magkabalikan?!

Abangan natin ang susunod na kabanata!

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results