JERRY OLEA: “Let he who is not guilty cast the first stone!”
Ang istoryang kaugnay sa Biblical quotation na iyan ay isa sa parables na bahagi ng religious musical na The Lost Sheep, na itinanghal nitong Oktubre 27, Sabado, sa Star Theater na katabi ng Star City sa Pasay City.

Ang nag-dialogue niyan ay ang karakter ni Jesus, na buong-pusong ginampanan ni Ced Torrecarion.
Bakas sa mukha ng cast members ang kasiyahan matapos silang makapagtanghal.
Maliban kay Ced, bigay na bigay rin sa kanilang pagganap at pagkanta sina Lovely Rivero (as Mary, the mother of Jesus), Pastor Reuben Aslor (as Charlie, the atheist soldier), Mark Jordan Mascareñas (as Joseph, another soldier), and Jeffrey Santos (as Peter).
Innovative ang pagkakalahad ng kuwento. Na-distract lang kami sa unang background sa LED screen kaugnay sa eksena ng kasalan sa Cana, where Jesus transformed water into wine.
Sa background kasi ay may mga chandelier na may mga bombilyang ginagamitan ng kuryente.
Hindi pa uso ang ganoon 2,000 years ago, di ba?
Nagkaroon ng matinee performance noong 4:00 PM, pero nagkaproblema pa rin sa mic ang pinanood naming 7:00 PM show, which later started at 7:40 PM.

NOEL FERRER: Imagine, nakonek ang famous Biblical na quote na iyan na applicable sa nauugnay na lady politician at Hashtags member, pati na kina Janella Salvador at Elmo Magalona na may isyung kinasasangkutan ngayon.
Oh well, they may want to watch the play The Lost Sheep para makaalis na sila sa pagka-lost.
GORGY RULA: Sorry po. Medyo nalu-lost ako diyan dahil hindi ko alam na meron palang ganung religious musical play habang aligaga ang mga tao sa darating na Undas at pagpasok ng holiday season.
Di ba, dapat pang-Holy week iyan?