GORGY RULA: Ayon sa AGB Nielsen NUTAM ratings nitong Linggo, October 28, 4.5 percent ang nakuha ng ASAP ng ABS-CBN, kung saan ipinakilala sa show nila sa Sydney, Australia, si Regine Velasquez-Alcasid bilang bagong Kapamilya.
Ang katapat na Sunday PinaSaya (SPS) ng GMA-7 ay naka-6.2 percent.

Nasilip ko ang bahaging ipinakilala si Regine sa ASAP, habang nagpapatawa lang ang buong cast ng SPS.
Hindi ko nga mawari ang comedy nila sa SPS, pero tila mas gusto ito ng mga manonood at madalas nilang natatalo ang ASAP—base sa datos ng AGB Nielsen
Kaya kailangan na nga ba talagang mag-reformat ang ASAP, Sir Noel?
Samantala, kinagabihan, napanood ko uli si Regine sa Gandang Gabi Vice (GGV).
4.2 percent ang nakuhang rating ng show ni Vice Ganda kung saan nag-guest ang Asia's Songbird.
Tinutukan ko itong guesting ni Regine sa GGV, pero hindi ko tinapos dahil medyo na-bore na ako sa interview ni Vice sa Asia’s Songbird.
Bukod sa GGV, meron pang I Can See Your Voice na guest naman si Kuh Ledesma, na 5 percent ang nakuhang rating.
Katapat ng I Can See Your Voice at GGV ang SNBO ng GMA-7, tampok ang tinagalog na The Purge Anarchy, na naka-5.8 percent.
Malakas din ang iba pang programa ng GMA-7 kagabi: 24 Oras 7.5 vs. TV Patrol 5.7; Amazing Earth 10.6 vs. Goin' Bulilit 7.8; Daig Kayo ng Lola Ko 11.4 vs. Wansapanataym 8.2 at PBA Games 3.2.
Consistent pa ring mataas ang Studio 7, na nakakuha ng 11 percent, kumpara sa The Kids' Choice na 9.4.
14.4 percent naman ang Kapuso Mo, Jessica Soho habang 8 percent lamang ang Rated K.
Interesanteng abangan kung ano naman ang resulta ng ratings survey ng Kantar Media, kung saan nagsu-subscribe ang ABS-CBN.
NOEL FERRER: Well, connection to the audience is not always synonymous to quality but, clearly, the ratings will show us the changing audience behavior.
As far as ASAP is concerned, a good streamlining of their many talents and breaking the monotony and predictability of their song-and-dance numbers may help.
Ang balita ko, sina Sarah Geronimo at Regine Velasquez ang magiging bagong mukha ng ASAP.
Sanib-puwersa sila kasama sina Piolo Pascual, Luis Manzano, Billy Crawford, at Erik Santos with Martin Nievera and Gary Valenciano.
Masaya rin ako at kasama pa rin bilang performer ang matatag pa rin sa ASAP na si Zsa Zsa Padilla, na sanay na sa ganitong pagbabalasa.
May this change be for the better.
Ang sabi ko nga, sa huli’t huli, ang dapat magwagi ay ang audience.
JERRY OLEA: Panahon na para mag-reformat ang ASAP. Tanggalin ang mga dapat tanggalin.
Mahirap timbangin ang kalidad at ratings. Sa pananalig ko ay mananaig kung ano ang idinidikta ng negosyo.