Spirit questor, sinagot ang tanong na ito: Saan mapupunta ang isang tao kapag ito'y namatay?

by PEP Troika
Oct 30, 2018

JERRY OLEA: Nagpadala kami ng private message sa spirit questor na si Nick Nañgit at hiningi ang insights niya kaugnay sa Halloween, Undas, multo, at kaluluwa.

 IMAGE Nick Nañgit Facebook

Matalinhaga ang reply ni Nick sa Facebook Messenger nitong Oktubre 30, Martes ng umaga:

“Tayo ay mga kaluluwa na may katawang lupa lamang, hindi mga katawang lupa na may kaluluwa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pag tayo ay namatay, maiiwan ang katawang lupa natin, at ang mananatili ay ang kaluluwa na hindi mamamatay.

“Hindi nakakalimot ang kaluluwa.

"May tinatawag na ‘akashic records’ na tila isang library kung saan nakatalaga ang lahat ng nagawa mo sa buhay—kasama ang mga past lives o nakalipas na pagsilang.

“Kaya, walang lihim na hindi nabubunyag.”

Naniniwala si Nick sa reincarnation.

Aniya, “Tayo ay ipinapanganak muli para bigyan ng pagkakataon na matuto ng mga leksyon na makapagbabago sa atin at para tumaas ang antas ng ating kamalayan, dahil ang sukdulang layunin natin ay makapunta sa liwanag at maging kaisa ng Lumikha sa ating lahat.

“Tayo ang may choice kung ire-reincarnate tayong muli.

"Kumbaga, lagi tayong may second chances.”

Ipinagdiinan ni Nick na ang kamatayan ay hindi katapusan. Na may katumbas na karma ang mga ginawa natin habang buhay tayo.

“Pintuan lamang ang kamatayan tungo sa isang dimensyon o estado na mas maganda,” paliwanag ni Nick.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Kung maganda ang naging buhay natin, mapupunta tayo sa estado na masaya at kaaya-aya.

“Kung hindi maganda ang naging buhay natin, mapupunta tayo sa estado na malungkot at tayo ay makapagmumuni-muni kung ano ang mga dapat nating ayusin sa susunod na lifetime o pagsilang.”

Kung anu't ano man, ang mahalaga raw ay ang mangibabaw ang pag-ibig.

“Ang laging mensahe ng mga kaluluwa ay ang pagpapatawad at pagmamahalan.

“Hindi sila mapaghiganti, dahil mabigat sa kanila ito. Hihilain lamang sila dito sa ating dimensyon, at hindi makakapunta sa liwanag.

“Dapat ipagdiwang natin ang buhay nila at isaalaala o igunita ang kasiyahan at mga kabutihang idinulot sa atin noong sila ay buhay pa.

“Ang pagdarasal sa kanila ay makakatulong para sila ay makatawid na o umangat tungo sa liwanag.

“Pag tayo ay namatay, hindi na natin maipagdarasal ang ating mga sarili; tayong mga buhay lamang ang makakatulong sa kanila sa pamamagitan ng ating mga dasal (o panalangin, kahit ano pa ang ating relihiyon o pinaniniwalaan).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang paghuhusga sa atin ay nakatala lamang sa ‘akashic records,’ at may karma.”

GORGY RULA: Maganda sana kung mahabol niyo pa sa ilang sinehan sa Quezon City ang pelikulang Hintayan ng Langit, na isa sa entry sa matatapos Nang QCinema Film Festival.

Maganda ang pananaw na makukuha sa pelikulang yun tungkol sa kamatayan, walang hanggang pag-iibigan, at pagpapatawad.

Sana ma-extend pa ito para mapanood ng iba.

Ngayon pa lang nga unti-unting nakakakuha ng atensIyon ang mga pelikulang palabas sa QCinema.

Kahapon, October 29, sa Trinoma, halos puno ang ilang pelikulang palabas doon at sa ibang sinehan nga sold-out na ang ilang entries na magaganda gaya nitong Hintayan ng Langit at ang nag-Best Picture na Oda sa Wala.

NOEL FERRER: Ako naman, we are always given the chance at conversion.

Kaya kung naniniwala tayo na ang naturalesa natin ay kabutihan, dapat tayong lumapit doon.

Heaven is a place on earth. We make our own heaven or hell.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

But given that we pursue our goodness, may we always find our heaven—for ourselves and for others.

As people celebrate Halloween, tayo naman, we celebrate the good lives of our departed loved ones.

I know they continue to guide and intercede for us.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results