Manay Lolit, may kuwelang kuwento tungkol sa mga yumaong sina Rudy Fernandez at Douglas Quijano

by PEP Troika
Oct 30, 2018

JERRY OLEA: Ayaw ni Manay Lolit Solis na dumalo sa Halloween parties.

Naalala pa niya nang niyayaya siya noon ng kaibigang si Douglas Quijano, na pumanaw noong June 2009.

Douglas Quijano, Lolit Solis, and Rudy Fernandez
 IMAGE Noel Orsal / Jerry Olea

Si Douglas ay kilalang talent manager noon nina Richard Gomez, Joey Marquez, at John Estrada.

Continue reading below ↓

Himutok ni Manay Lolit, “Gustung-gusto ni Douglas yung mga Halloween-Halloween party! Yaya nang yaya, e...

“Naku! Ayoko nga, ‘no?! Mga kabaklaan ‘yon!

“Sabi ni Douglas, ‘Naku, Lolit! Pag nakita mo sa Halloween party na ‘yon tsu-tsu-tsu-tsu-tsu!’

"Sabi ko, ‘P*t*h ka, puro kabaklaan ang makikita ko doon, ‘no?!’

“Hindi ko pinangarap. Halloween party, may mga nagma-macho dancing. Ano ba ‘yan?!”

Sa panahon ng Undas, isa pang kumukurot sa puso ni Manay Lolit ang alaala ng yumao niyang alaga na si Rudy Fernandez.

Aniya, “Number one na ikinaiinis ko kay Rudy Fernandez, yung tawag nang tawag sa phone ko. Umaga, tatawag. Tanghali, hapon... yun bang wala namang kawawaan.

“Basta tatawagan ka lang. Di ba, yun ang pinaka-number one na ikinaiinis ko sa kanya?

"Pero... Nami-miss mo na pag later. Haaay, wala si Rudy.

"Pag umaga, siya ang first caller ko, ‘Anong balita kahapon?’ ‘My God! Anong nangyari kahapon? Anong pakialam ko?’

“Mamaya, tatawag na naman siya. After a while, tatawag na naman...”

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Ngayong humabol pa sa Undas ang Total Performer na si Rico J. Puno, na ibuburol sa Sanctuario de San Antonio Chapel sa Makati City.

I’m sure marami pang pagpaparamdam kahit pagpe-playtime na magaganap lalo pa’t kilalang pilyo si Rico J.

Pero anumang pagpaparamdam ang gawin ng ating yumao, blessing pa rin yun dahil nananatili silang buhay sa atin.

Marahil ginagabayan tayo sa layong tayo’y mapabuti. Sana.

GORGY RULA: Dahil sa mga sunud-sunod na nangamatay, nabanggit sa akin ni Manay Lolit na hindi lahat ng burol ay pupuntahan niya.

Nai-imbibe daw niya kasi ang negative effect ng isang taong pumanaw at minsan dala-dala raw niya hanggang pag-uwi.

Kaya kapag hindi raw niya gaanong close yung isang namayapa, hindi na raw siya pupunta sa burol, dahil minsan, nagkakasakit pa raw siya.

Alam ko, sina Mother Lily Monteverde at Kuya Boy Abunda, hindi talaga pumupunta sa burol, kaya parang yun na raw ang gusto niyang sundin.

Continue reading below ↓

Pero kung talagang close daw niya ang pumanaw, hindi raw puwedeng di niya ito puntahan.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results