Sino ang Kapuso hunk na wish ni Therese Malvar maging escort sa kanyang debut?

GORGY RULA: Kararating lang ni Therese Malvar mula Japan dahil dumalo siya sa Tokyo International Film Festival.

Ni-represent niya ang pelikulang Distance na kasali sa Asian Future.

IMAGE Gorgy Rula

Pagbalik dito, kaagad inaasikaso na ni Therese ang debut niya sa Sabado, November 3, na gaganapin sa Sequoia Hotel, Quezon City.

Sa totoo lang, nung September 16 pa ang kaarawan ni Therese pero ngayon lang matutuloy ang debut na inihanda ng GMA Artist Center para sa kanya.

Ngayon lang kasi sila nakakuha ng bakanteng schedule, dahil wish talaga ni Therese na magkaroon ng debut party na masunod ang konsepto na gusto niya.

Celestial daw ang motif ng debut niya dahil mahilig daw siya sa stars.

Kaya sa halip na 18 Roses, naging 18 Stars na ito na kabibilangan ng close friends niya sa showbiz at non-showbiz friends.

May kilig ang sagot ni Therese na si David Licauco daw ang magiging escort niya.

Nasabi kasi minsan ni Therese sa isang interview na crush pala niya itong Kapuso hunk.

“Joke lang kasi yun. Tinanong nila ako, 'Sino ang gusto mong escort?'

"Sabi ko si David Licauco, tapos tinotoo nila, nagulat ako.

“Parang happy crush ko lang. Siguro gift lang ng Artist Center sa akin.

"Charot-charot lang, tapos naging totoo," nakangiting sagot ni Therese nang nakatsikahan namin sa mini-presscon na ibinigay sa kanya ng GMA Artist Center kahapon, October 30.

Pero sobrang happy ngayon si Therese dahil maganda raw ang plano ng GMA 7 sa kanyang career.

Isa raw sa highlights ng kanyang showbiz career ay ang pagkapanalo niya bilang Best Supporting Actress sa nakaraang Cinemalaya 2018.

First time yata ito sa Philippine cinema, mga ka-Troika, na nag-tie ang isang artista lang.

Nominado si Therese sa dalawang pelikula niyang kasali, ang School Service at Distance, at pareho niya itong napanalunan.

“I felt really humbled and grateful for Cinemalaya, and very shocked na ginawa nila yun.

“I talked with some of the jurors, sabi nila, they could not chose between the two so they let me win for both films,” pahayag ni Therese Malvar.

JERRY OLEA: Tunay ng aktres si Therese at hindi matatawaran ang kanyang husay.

Nawa’y maging bituin siyang nagniningning!

NOEL FERRER: Huli man daw ang debut, maihahabol pa rin.

November 3, kasabay pa ng birthday ng Star For All Seasons na si Ate Vi at GMA Films President Annette Gozon-Valdez.

Bilib ako kay Teri Malvar, kaya excited ako kung paano mapapakinang ng GMA-7 ang kanyang bituin.

Sana makatulong din si David Licauco.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN