Pauleen Luna, aminadong daddy's girl ang anak nila ni Vic Sotto na si Talitha

by PEP Troika
Oct 31, 2018

GORGY RULA: Nakatanggap ang PEP Troika ng imbitasyon mula kay Pauleen Luna para sa 1st birthday ng anak nila ni Vic Sotto na si Talitha Maria.

Sa November 6 ay isang taon na ang panganay na anak nina Vic at Pauleen, pero sa November 11 ang celebration na gagawin nila sa isang clubhouse sa village na tinitirhan nila sa Laguna.

Continue reading below ↓

Swimming party ito kung saan makiki-birthday na rin daw sa kanila si Paulina, ang anak ni Vic sa dating artista at commercial model na si Angela Luz.

November 10 ang birthday ni Pauleen at November 9 naman si Paulina.

Mga close friends at pamilya lang ang imbitado, pero tiyak daw na mapupuno ang venue dahil sa dami ng miyembro ng kanilang pamilya.

Natutuwang ikinuwento sa amin ni Pauleen na ang laki na ng ipinagbago ni Baby Tali.

Kuhang-kuha na raw nito ang ugali ni Bossing Vic, na tahimik lang pero pagdating sa bahay ay maingay at napakasayahin.

Continue reading below ↓
 IMAGE Nice Print Photo

“Kuha niya talaga ang ugali ng daddy niya 100 percent,” bulalas ni Pauleen.

Ipinakita pa niya sa amin ang video ni Baby Tali na tinuturuan niyang magsalita ng “Mama,” pero “Ate” ang binibigkas nito.

“Lahat kasi na babae, ‘ate’ ang tawag niya. Pero ang dali niyang nasabi ang ‘Daddy,'” dagdag niyang pahayag.

Kaya hindi talaga maitatangging "Daddy’s girl" si Baby Tali.

Thankful na rin si Pauleen na hindi na raw sila gaanong naba-bash kung ikumpara noon.

“Napagod na siguro sila,” sabi pa niya.

May iba raw kasing sobrang harsh ang comments at natutuwa kapag sinasagot sila ni Pauleen.

Parang gusto lang daw nilang magpapansin sa artistang bina-bash at titigil na lang pag sinagot.

Pagkatapos ng birthday party ni Baby Tali, lilipad patungong Japan sina Vic at Pauleen para magbakasyon.

Silang dalawa lang daw na parang honeymoon na rin uli, para sundan na ba si Baby Tali?

“Sana, Kuya,” sagot sa amin ni Pauleen.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Ang bilis talaga ng araw at isang taon na pala si Baby Tali. Happy birthday!

And speaking of birthdays, siguradong may birthday salubong mamaya para sa co-star nina Vic Sotto at Maine Mendoza sa kanilang MMFF 2018 entry na Jack Em Popoy: The Puliscredibles—si Coco Martin.

Happy birthday din, Coco!

JERRY OLEA: Sana nga’y masundan na si Baby Talitha, na lumalaking maganda.

Sa Nobyembre 11 ay 54th birthday nina Ai-Ai delas Alas and Calista Flockhart, feast day ni San Bartolome ng Grottaferrata, Singles’ Day sa China, at first anniversary ng PEP Troika.

Cheers!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results