Iza Calzado and celebrity friends, lumipad sa Bali para sa hen party

NOEL FERRER: Lumipad papuntang Bali, Indonesia si Iza Calzado kasama ang kanyang “girl-friends” na sina Karylle, Sunshine Dizon, Divine Lee, Kat Holigores, at ibang friends from school para sa tinatawag na hen party.

Ano nga ba ang hen party?

Ang sabi, ang hen party ay isang party for a woman who is going to get married soon, to which only her female friends are invited.

Iba ito sa bridal shower dahil wala itong naughty gifts at male stripper na kasama.

IMAGE @missizacalzado on Instagram

Sinamantala lang ni Iza at ng mga kaibigan ang Halloween break from her Ngayon at Kailanman taping at endorsement shoots, na lalong dumarami kapag nagbabago ang estado mo sa buhay.

Ikakasal na kasi si Iza sa kanyang longtime boyfriend na si Ben Wintle.

Speaking of the Sang'gres, pagbalik nila rito ay ratsada na ang pagtatapos ng kanilang pelikula for iFlix.

May isa silang major lock in session sa Bataan pagkauwi nila rito.

Abangan na lang natin ang posts nina Iza, Karylle, Sunshine, at Divine sa magaganap na “hen party” sa Bali ngayong Undas break.

View this post on Instagram

Our reunion project �??? on @iflix.ph

A post shared by Iza Calzado (@missizacalzado) on

GORGY RULA: Kaya nga nanghinayang si Therese Malvar dahil kasama raw sana si Iza sa 18 Stars sa kanyang debut, pero wala nga raw ang Kapamilya actress.

Pagbalik nila rito ay ma-announce na kaya kung kailan ang wedding nina Iza at Ben?

Totoo po bang sa Palawan gaganapin ang kasalan?

JERRY OLEA: Ngayon at kailanman, “sistahs forevah” ang mga orig na Sang’gre.

Pero bakit waley si Diana Zubiri sa hen party?

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN