Kantar Ratings: Regine Velasquez sa ASAP at GGV, wagi kontra sa Kapuso shows

by PEP Troika
Oct 31, 2018

NOEL FERRER: In the spirit of fairness, inilabas na ang Kantar Media TV ratings with a focus on the grand Kapamilya welcome sa Asia's Songbird na si Regine Velasquez last Sunday, October 28.

 IMAGE Screen grab from ABS-CBN

Ito ang mga nakuhang ratings ng ABS-CBN and GMA-7 shows:

ASAP vs Sunday PinaSaya: National - 11.4 vs 8.6 / Mega Manila - 11.5 vs 10.9 / Metro Manila - 12.7 vs. 8.5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gandang Gabi Vice vs SNBO: National - 9.0 vs. 7.2 / Mega Manila - 14.8 vs. 11.5 / Metro Manila - 19.8 vs. 11.0.

Nauna nang na-bash si Regine ng mga nagrararah sa AGB ratings, at nag-congratulate pa nga ang bagong Kapamilya sa SPS at KMJS.

Siyempre, sasabihin din na kanya-kanyang ratings na pinaniniwalaan. Kapag Kantar, sa ABS; kapag AGB, sa GMA.

Pero what matters is, ano bang programa ang mas maipagmamalaki natin at makakapag-usad sa ating sining at kultura bilang bansa?

Let’s start the healthy and constructive discussion and exploration dahil, sa huli’t huli, dapat ang wagi rito ay ang audience na Pinoy!

GORGY RULA: Agree po ako diyan. Ang mahalaga napasaya ang mga manonood.

Pero ang pagkakaalam ko, ibinalik ng ABS-CBN ang subscription nila sa AGB.

Ang GMA, hindi nag-subscribe sa Kantar.

Kaya, magkanya-kanya na silang labas ng rating base sa kung alin ang pinaniniwalaan nila.

Pero keber ng mga tao, ang mahalaga may napapanood silang magandang palabas.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

JERRY OLEA: Kani-kanyang panlasa, at kani-kanyang ratings.

Basta, masaya si Regine na bahagi na siya ng "number one" TV network sa Pilipinas.

Wishful thinking na lang na maglaho ang haters and bashers, ang trolls at negatrons.

Lilipas din ito...

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results