Eerie nina Charo Santos at Bea Alonzo, unang ipalalabas sa Singapore

Eerie nina Charo Santos at Bea Alonzo, unang ipalalabas sa Singapore
by PEP Troika
Nov 3, 2018

JERRY OLEA: Matapos ang matagumpay ng participation sa 23rd Busan International Film Festival (South Korea), ang Pilipinas muli ang Country of Focus sa Singapore Media Festival na gaganapin sa Nobyembre 28 hanggang Disyembre 9.

Ipagdiriwang dito ang 100 taon ng Pelikulang Pilipino at ang 50th anniversary ng Diplomatic Relations sa pagitan ng Pilipinas at Singapore.

Sama-sama sa Singapore Media Festival (SMF) ang Singapore International Film Festival (SGIFF), Asia TV Forum & Market (ATF), at ScreenSingapore and SMF Ignite.

Ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) na pinamumunuan ni Chairperson Mary Liza Diño ang pangunahing ahensiya ng bansa sa delegasyon dito.

Magwo-world premiere ang pelikulang Eerie (bida sina Charo Santos and Bea Alonzo, sa direksiyon ni Mikhail Red) sa Midnight Mayhem section ng Singapore filmfest.

Charo Santos and Bea Alonzo in Eerie
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tatlong Pinoy films ang bahagi ng official selection—Dapol Tan Payawar na Tayug 1931/The Ashes and Ghosts of Tayug 1931 ni Christopher Gozum, Panahon ng Halimaw/Season of the Devil ni Lav Diaz, at Nervous Translation ni Shireen Seno.

Apat na Pinoy short films ang lalaban sa Southeast Asian Short Film Competition—Manila is Full of Men Named Boy ni Andrew Stephen Lee, The Imminent Immanent ni Carlo Francisco Manatad, Please Stop Talking ni Josef Gacutan, at Judgement ni Raymund Ribay Gutierrez.

NOEL FERRER: Interesting ang lineup of Pinoy films sa Singapore Media Festival.

Masaya ako at finally maipalalabas na ang pelikulang Eerie nina Charo Santos at Bea Alonzo, na tinangkang isali sa script submission sa MMFF 2018.

Maihahabol pa kaya itong ipalabas ngayong taon sa ating bansa gayong medyo masikip na ang mga playdate sa Pinoy releases?

Abangan!

JERRY OLEA: Inilunsad ang Asia Academy Creative Awards (AACA) noong Hulyo para maging bahagi rin ng Singapore Media Festival.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang vision nito ay lumikha ng awards programme by the industry for the industry.

Itinalaga ng AACA si Wilson Tieng (Presidente ng Motion Pictures Distributors’ Association of the Philippines) bilang ambassador.

Dalawampu’t limang (25) Pilipino ang nominado sa iba’t ibang kategorya, kabilang ang The Greatest Love (ABS-CBN) para sa Best Series, Maja Salvador (Wildflower) para sa Best Actress, at Ika-6 Na Utos (GMA) para sa Best Telenovella/Soap.

GORGY RULA: Parang hindi ako maka-relate sa mga pelikulang Pinoy na kalahok sa Singapore filmfest.

Naipalabas man ang iba rito sa local cinemas ay hindi naka-penetrate sa consciousness ko.

Pang-international filmfest na lang talaga ang mga ganitong klase ng pelikula?

Sana maibenta ang mga iyan sa international market, dahil mahirap pansinin ang mga iyan sa commercial showing sa atin.

Pagkatapos ng The Hows of Us at Exes Baggage, wala nang sumunod na pelikulang Pinoy na nag-hit sa takilya.

Sana meron pa tayong kasunod na pumatok bago mag-Metro Manila Film Festival.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
pep troika, Eerie
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results