John Lloyd at Matteo, makumbinsi kayang pumunta sa tribute concert kay Rico J. Puno?

by PEP Troika
Nov 3, 2018

GORGY RULA: Tuloy na tuloy ang concert na Music and Laughter (Sana, Tatlo ang Puso Ko) kahit wala na si Rico J. Puno.

Kinumpirma sa amin iyan ng isa sa kasali sa concert na si Marissa Sanchez nang nakausap namin sa aming radio program sa DZRH na Showbiz Talk Ganern nitong November 2, Friday.

Continue reading below ↓

Medyo mababago lang ang konsepto dahil magiging tribute na nila ito kay Rico J.

Inaayos kung sino sa Hitmakers ang sasali dahil nagpahayag sila ng interes na susuporta sa naturang concert.

Magkakaroon ng production number ang anak ni Rico na si Rox.

Ang isa sa inaayos pa ay ang partisipasyon nina John Lloyd Cruz at Matteo Guidicelli.

Continue reading below ↓
Matteo Guidicelli and John Lloyd Cruz
 IMAGE Noel Orsal

Ayon kay Marissa, “Sinasabi sa amin ni Rico noon na papakiusapan niya si John Lloyd na umapir sa concert namin.

"Close silang dalawa, mahal na mahal niya si Lloydie.

“Si Matteo, tinawagan pa niya noong nag-presscon kami, e. Sabi naman ni Matteo, walang problema basta maayos lang ang schedule niya.

“Pina-follow up niya ang dalawa, e. Ewan ko lang kung sumagot sa kanya si John Lloyd.

"Pero sana, mapagbigyan nila dahil alam ko, wish talaga ni Rico ‘yan," sabi pa ng singer/comedienne.

Sa November 23 na itong Music and Laughter sa The Theatre at Solaire, Parañaque City.

Kasama rin dito si Giselle Sanchez.

NOEL FERRER: If ever, magandang tribute itong mangyayari sa concert na ito para sa yumaong music icon na si Rico J. Puno.

Medyo sunud-sunod lang ang local artists na magko-concert ngayong buwan.

Nandiyan si Jed Madela sa kanyang 15th anniversary concert sa Araneta Coliseum.

May series ng Regine At The Movies sa Kia Theater.

Continue reading below ↓

Then, itong Music and Laughter.

Buhay na buhay ang local concert scene.

As for John Lloyd, oo, nakaka-miss na siya.

We hope to see him one of these days or bump into him in one ordinary place.

I doubt kung mapapa-perform siya sa Music And Laughter... although malay naman natin, di ba?

JERRY OLEA: Kung hindi man mapapa-perform si John Lloyd sa Music and Laughter on November 23, sana ay dumalaw siya sa burol sa Santuario de San Antonio, Forbes Park, Makati City.

At kung pwede, magsalita siya ng kahit maikling eulogy sa November 7, Miyerkules, sa huling gabi ng lamay kung saan maraming kaibigan at mang-aawit sa showbiz ang magpupugay kay Rico J.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results