Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

To Love Some Buddy nina Maja at Zanjoe, All Souls Night ni Andi minulto sa takilya?

by PEP Troika
Nov 3, 2018

NOEL FERRER: “Maganda ang pelikula pero para kaming minulto,” sabi ng kaibigan ko. “Tatatlo lang kami sa sinehan sa SM Taytay.”

Ang tinutukoy niya ay ang ang pelikulang To Love Some Buddy nina Maja Salvador at Zanjoe Marudo mula sa auxiliary arm ng Star Cinema na Black Sheep Company.

 IMAGE Jason Paul Laxamana Facebook page
Continue reading below ↓

Nalungkot ako dahil Graded A ang pelikula. Sinasabi ng mga nakapanood na mas maganda pa ito sa The Day After Valentine’s at Exes Baggage, pero bakit nagkaganoon?

Marahil, hindi talaga magandang playdate ang Undas dahil nakabakasyon pa rin ang diwa ng mga manonood.

O nasa sementaryo pa rin ang mga tao?

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Ka-text ko ang direktor ng pelikula, the ever reliable na si Jason Paul Laxamana.

Nang tanungin ko siya sa resulta ng pelikula niya, ang tanging sabi lang niya ay, “Wala pa po ako update. Naka-Undas mode pa rin ako.”

Along with Andi Eigenmann’s All Souls Night na matamlay rin ang resulta, sana ay mag-pick up pa ang local films na palabas ngayong long weekend.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA: Super-flop ang last movie ni Andi Eigenmann na The Maid in London. Ayaw na niyang mag-showbiz.

Ayaw na rin sa kanya ng moviegoers.

Mahina ang huling pelikula nina Zanjoe Marudo (Kusina Kings) at Maja Salvador (I’m Drunk, I Love You).

Pang-TV lang siguro sila.

GORGY RULA: May ilang nagtitinda sa mall ang nakatsikahan ko. Hindi raw gaanong matao sa mall nitong mga nakaraang araw na bakasyon.

Maaaring aligaga pa sa sementeryo ang mga tao, o nasa out of town vacations, kaya least priority nila ang panonood ng sine.

Ang iba, abala pa sa paggawa ng parody video na Cesar Montano Challenge.

Pero tingnan natin ngayong weekend.

Inaasahang ngayong Sabado at bukas ay magmu-malling na sila at puwede na silang manood ng sine, para makabawi itong To Love Some Buddy at All Souls Night.

Pero medyo duda pa rin ako. Mukhang hindi interesting ang Zanjoe-Maja tandem.

Itong All Souls Night ni Andi, parang puwede na ring palagpasin.

Continue reading below ↓

Iyong tipong hindi mo panghihinayangan kung hindi mo mapanood. Wala kasi akong narinig na rave review.
Kaya move on na tayo.

Abangan na lang natin ang mga susunod pang magso-showing o baka yung mga pang-MMFF na lang.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results