Jao Mapa, sana magkaroon ng art collaboration kina Ian Veneracion at Heart Evangelista

by PEP Troika
Nov 3, 2018

JERRY OLEA: Dalawang painting ni Jao Mapa ang kasama sa exhibit ng Grupo Sining Angono na Panagpo na mag-uumpisa bukas, Nobyembre 4, Linggo, 4:00 PM sa 2nd floor ng SM Angono.

Bagets pa lang si Jao ay mahilig na siyang mag-paint.

Ang estilo niya ay figurative expressionism.

Graduate siya ng BA Fine Arts sa UST. Ang mga medium niya ay acrylic on canvas, water color at charcoal.

Continue reading below ↓

“I paint about my past and present experiences,” sabi ni Jao, who’s turning 42 years old on December 17.

“I am like a camera. If I like what I see or if I get inspired by a picture, I interpret it with my style on canvass.

“My strengths are colors. My paintings are colorful and vibrant.”

Kabilang sa subjects ni Jao ay mga labandera, magtataho, sabungero, pamilya, at iba pang socially relevant topics.

Nagtuturo si Jao ng Art sa Canadian School of America (Makati City). Ang students niya ay Grade 6 hanggang Grade 11.

Nakapag-solo exhibit na siya noong Disyembre 1999 (J. Mapa III, Sketch Exhibit) at Marso 2012 (The Old & Recent Works of Jao Mapa).

Siyanga pala, nag-aartista pa rin si Jao. Katatapos lang niya ng indie movie na Despicable Rascals, directed by Roland Sanchez.

Co-stars niya rito sina Rob Sy, James Lomahan at Ces Aldaba.

NOEL FERRER: Matagal ko nang kaibigan ‘yang si Jao.

Continue reading below ↓

Kasama ko siya noong nagsisimula pa lang siya sa ASAP at sa Pare Ko (1995) barkada.

Mahusay na siyang umarte noon pa, at malakas ang sex appeal.

Di ba’t nagkapelikula pa sila ni Rosanna Roces na Matrikula (1997)?

Sayang at madalang na lang siyang napapanood ngayon.

Pero sigurado akong nandun pa rin ang tatak Jao na isang tunay na artist who just needs a good break.

Knowing Jao, open siya sa kahit anong role at di siya namimili. Looking forward to having an art piece by him!

GORGY RULA: May naalala ako kay Jao Mapa nang napag-usapan ang pagpipinta, pero hindi ko na isi-share at baka marami ang mag-react.

Accomplished painter si Jao, kaya hindi siya puwedeng ihanay sa ibang artista na nagsisimula pa lang magpinta.

Kahit noong kainitan ng career ni Jao, hindi niya iniwan ang pagpipinta kaya lalo pa siyang gumaling.

Napaka-productive niya.

Hindi siya nababakante dahil kapag walang trabaho sa TV o pelikula, pinagkakaabalahan niya ang pagpipinta.

Continue reading below ↓

Sana mabigyan pa siya ng chance na magkaroon ng one-man exhibit o kaya mag-collaboration sila ni Ian Veneracion o Heart Evangelista.

Silang tatlong artista ang magaganda talaga ang mga obra.

Read Next
Read More Stories About
painting, pep troika
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results