Pilipinas, back-to-back ang talo sa Miss Earth at Reina Hispanoamericana

Pilipinas, back-to-back ang talo sa Miss Earth at Reina Hispanoamericana
by PEP Troika
Nov 4, 2018

JERRY OLEA: Thank-you girl si Alyssa Muhlach Alvarez sa Reina Hispanoamerica 2018 na ginanap nitong Nobyembre 3, Sabado ng gabi, sa Santa Cruz de la Sierra, Bolivia. (Linggo ng umaga iyon sa Pilipinas).

Sa 30 kandidatang nagtagisan, ligwak ganern si Alyssa sa Top 10.

Pasok sa banga ng Top 10 ang Mexico (pinakamaraming boto sa social networks), Venezuela, Brazil, Bolivia, Paraguay, Chile, Cuba, Peru, Ecuador, at Europa Hispana.

Ang nagwagi ay si Nariman Cristina Battikha ng Venezuela.

 IMAGE Reina Hispanoamericana Facebook opage
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito ang ikapitong korona ng Venezuela sa 28 taon ng Reina Hispanoamericana (Hispanic American Queen).

Ewan kung siya pa rin ang ilalaban ng Venezuela sa 10th Miss Supranational na nakatakda sa Disyembre 7 sa Krynica-Zdroj, Poland.

Kinilalang Virreina Hispanamericana 2018 si Isabele Pandini Nigueira ng Brazil, na 3rd runner-up at Miss Photogenic sa Miss Global Beauty Queen 2016.

First runner-up si Aranza Anaid Molina ng Mexico.

Second runner-up si Maria Belen Alderete ng Paraguay, at third runner-up si Marian Joyce Prado ng Bolivia.

Sila rin ang panlaban ng Paraguay at Bolivia sa Miss Universe 2018 sa Disyembre 17 sa Bangkok, Thailand.

Fourth runner-up si Camila Ignacia Helfmann ng Chile.

GORGY RULA: Sa wikang Kastila ang farewell speech ni Winwyn Marquez bilang Reina Hispanoamericana 2017.

Ipinalabas ang mga kuha sa schools na tinuturuan niya.

Yun ang advocacy ni Winwyn. Commitment niyang magturo sa mga kabataan sa iba't ibang lalawigan.

Sayang at hindi man lang nakapasok sa Top 10 finalists ang pambato nating si Alyssa Muhlach Alvarez.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

So far, wala pang nagwagi sa mga kandidata nating lumaban sa ibang bansa ngayong taon.

Sana, sa susunod, makasungkit naman tayo ng korona.

Tumataas tuloy ang expectations kina Catriona Gray sa 67th Miss Universe (December 17 sa Bangkok, Thailand), at Katarina Rodriguez sa 68th Miss World (December 8 sa Sanya, China).

NOEL FERRER: Teka! Bakit more than the results ng Reina Hispanoamericana, mas pinag-uusapan ang sagot ng kandidata natin sa Q &A ng Miss Earth 2018?

Pasok si Miss Earth Philippines Celeste Cortesi sa Top 8.

Nasa YouTube ang hanash niya tungkol sa #malnutrition, “My pers, ahh, good evening... My perspective about malnutrition actually depends on my values and beliefs.

“I think that it's about respect being... respect being... sorry, it’s about respect being... it’s about respect and I think that respect is the key to purpose, to serve the purpose of our knowledge and humanity. Thank you.”

Ano raw?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Where on EARTH did that come from?

Sobra bang natensiyon si Celeste?

Oh, well... long after the results are out, naaalala ang moments na ganito.

Read Next
Read More Stories About
pep troika, Winwyn Marquez
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results