Vilma Santos, gusto rin bang makakuha ng birthday greeting mula kay Cesar Montano?

by PEP Troika
Nov 4, 2018

NOEL FERRER: More than 30 minutes ang ginugol ng Star For All Seasons sa espesyal at masayang panayam ng PEP TROIKA nitong nakaraang Nobyembre 3, Sabado ng gabi sa Radyo Inquirer.

 IMAGE Mark Atienza

In that conversation na live from Hong Kong, si Ate Vi talked about: 1. The Mike de Leon, Brillante Mendoza and Adolf Alix projects waiting for her. (Gusto niyang gawin ang projects na ino-offer nila, pero timing lang. Possibly after the elections, if ever.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

2. Her reaction to Cesar Montano’s viral birthday greeting. (Pilyo raw ang PEP TROIKA pero aware siya na trending ang video na iyun ni Cesar na nakasama niya sa Relasyon at leading man sa Ikaw Lang. Buti na lang daw na Cesar has taken it lightly.)

3. Her take on Nora Aunor’s exclusion in the National Artists list and the whole process. Nalulungkot daw siya sa nangyari sa kumareng Nora niya. Darating din daw ‘yan sa tamang panahon.)

4. Her most cherished practical gifts. (Kung last year eh panjamang pantulog, ngayon eh twalyito na

5. And her views on family, the entertainment industry, politics, and public service. Through all these, you will understand why we love her!

GORGY RULA: Ramdam natin na nag-enjoy nang husto si Cong. Vi sa interview natin sa kanya.

Hanggang sa natapos ang interview, di ba, nag-text pa siya sa ‘yo, Sir Noel?

Kesyo pilyo at salbahe tayo nang tinanong natin siya kung gusto niya ng video greeting from Cesar Montano.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero sabi nga niya, mabuti na lang at magaan lang ang pag-handle ni Cesar sa isyung iyun.

Sabi pa niya, “Bilib naman ako kay Cesar, kasi he is taking it lightly.

“Hindi niya masyadong sineryoso ang kung ano man yung iniisip ng iba. I think it’s good. That’s the right way to react.”

Ang nakakatuwa pa sa kanya na tuwalyita o malambot na bimpo lang pala ang type niyang matanggap na birthday gift.

Sabi ni Cong. Vi, “Alam niyo, hindi kayo maniniwala, sabi ko sa mga kaibigan ko, gusto ko, tuwalyita, yung bimpo. Kasi, gusto ko yung malambot lang.

“Kasi, last year, sabi ko, kung gusto niyo akong bigyan, sabi ko, pajama lang para magamit ko.

“Tapos, tumambak naman ngayon yung pantulog kong pajama. Yung pantulog lang na cotton.

“Meron din, umuulan na rin ang regalo sa akin ng panyo.”

Huwag na raw tayong mag-abalang mag-isip ng mamahaling regalo dahil mas maganda yung madalas niyang nagagamit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tiyak na gagamitin niya sa pag-iikot at pangangampanya itong bimpo na ireregalo sa kanya.

“Sa totoo lang, mas masarap yung mura.

“Kasi, sa totoo lang, bigyan niyo man ako ng mamahalin, 'tapos, nakatabi lang, di ko naman nagagamit,” dagdag niyang pahayag.

JERRY OLEA: Ipinatanong ng VSSI Global Vilmanians (sa pangunguna ng Vilmanian for All Seasons na si Jojo Lim) ang mga pelikulang inialok kay Ate Vi.

Iyong kay Direk Adolf Alix Jr., pagsasamahan nila ni Charo Santos.

Iyong kay Direk Brillante Mendoza, tatampukan nila ni Nora Aunor.

Iyong kay Direk Mike de Leon, life story ng lola nitong si Doña Sisang na producer ng LVN Pictures.

Andiyan pa ang movie projects kung saan makakatrabaho niya si Alden Richards, Joshua Garcia, Judy Ann Santos, o Claudine Barretto.

Mapagtutuunan ni Ate Vi ng pansin ang pelikula eh pagkatapos pa ng eleksyon sa susunod na taon.

Wish ko para sa 65th b-day ni Ate Vi (na nagdiriwang ng 56th year sa showbiz), tanghalin siyang National Artist in due time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang paniniwala ni Ate Vi, maraming mas senior na artista na mas deserving kesa sa kanya para kilalaning Pambansang Alagad ng Sining.

Binanggit niya si Eddie Garcia na kahit 89-anyos na ay nag-aartista pa rin, at nananalo ng awards.

Ang isa pa ay si Dolphy na bago pumanaw ay tuloy ang pag-aartista at pagdudulot ng aliw sa moviegoers.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results