Regine Velasquez, super touched sa pag-guest ni Sharon Cuneta sa upcoming concert niya

by PEP Troika
Nov 4, 2018

JERRY OLEA: Iba-iba ang repertoire sa tatlong gabi ng Regine at the Movies concert ngayong buwan sa New Frontier Theater (dating Kia Theater), Araneta Center, Cubao, Quezon City.

 IMAGE Jerry Olea

Iba-iba rin kasi ang guest ni Regine Velasquez sa bawat gabi: Piolo Pascual (Nobyembre 17), Sharon Cuneta (Nobyembre 24) at Daniel Padilla (Nobyembre 25).

Continue reading below ↓

Matagal nang naka-commit si Piolo na mag-guest dito.

Recently lang umoo sina Sharon at Daniel.

Sa Nobyembre 25 ay may concert si Sharon sa Hong Kong.

Just the same, tinanggap ni Mega ang alok na mag-guest sa concert ni Songbird.

“Ang sweet nga, e!” masayang bulalas ni Songbird sa mediacon nitong Nobyembre 4, Linggo ng hapon sa 81 SeiHai restaurant, Timog Ave., Quezon City.

Bale patikim ito sa back-to-back concert nina Sharon at Regine next year.

Dagdag ni Reg, “Alam niyo naman sigurong lahat na Sharonian ako talaga. Alam niyo yun, di ba? Super-fan talaga ako.

“And my dream is for her to be a guest in my show. Tapos, ito... hindi naman malaking show ito pero pinagbigyan niya ako talaga.

“E tapos, meron pala siyang show sa Hong Kong, na dapat aalis siya that day. Bale pupunta siya the following day na, which is the day of her show mismo.

Continue reading below ↓

“Tapos, sabi niya sa akin, ‘Dahil lang mahal kita. Aalis ako nang day itself.’

“So, I’m really very touched naman na pinagbigyan ako ni Mega. Siyempre, bisi-bisihan din ang lola mo at maraming ganap din.”

Last year pa napapag-usapan nina Shawie at Reg na magsama sa concert.

“We’ve been wanting to work together, kaya lang, before it was hard.

“Ngayon it’s easier na,” sambit ni Regine.

May showdown kaya sila na inspired kina Dorina Pineda at Lavinia Arguelles sa Bituing Walang Ningning (1985)?

NOEL FERRER: Natuwa ako na matutuloy na ang pagsasama nina Shawie at Regine sa isang concert.

Nakakatuwa na yung mga pare-pareho ang wavelength at mababait talaga ay nagkakatulungan at tunay na magkakaibigan.

Maliban kina Sharon at Regine, extended families din nila sina Judy Ann Santos at Sarah Geronimo.

Can’t wait until all of them collaborate and do something really great!

GORGY RULA: Itong nalalapit na concert ni Regine ay tila bago sa kanya dahil ito ang first concert niya bilang Kapamilya artist.

Continue reading below ↓

Kaya iba ang feeling na hindi niya maintindihan.

“Parang nanganganay ako,” pakli niya.

“I can’t really explain how I feel. I’m very excited, and I’m very happy.

“Pero weird pa yung feeling ko.

“Siguro, I need to get used to that idea,” sabi ng Asia’s Songbird.

Mukhang marami siyang gagawing concert next year dahil marami pa sa Kapamilya network na posibleng makasama niya sa susunod na concert niya.

Kaya matindi ang paghahanda niya.

Bumalik na siya sa voice lessons dahil lalong ganado siya ngayong magbibirit.

May pasabog siya para sa Valentine show niya sa 2019! 

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results