NOEL FERRER: Nalungkot ako sa balita tungkol sa magandang personalidad na ambassador sana natin ng kagandahang-loob.
Kabaligtaran ang lumalabas sa kanya pagkatapos ma-deny ang pagpapa-upgrade ng kanyang magulang papunta abroad.

Sayang! Paano siya ichi-cheer ng mga Pinoy kung kinakikitaan siya ng kagaspangan sa pananalita at pagiging entitled?
Iyan ang ikakasira niya!
Tuloy, ang dami niyang haters dahil sa kanyang rant.
Ang daming naglalabasang balita ng kanyang pagiging burara at freeloader.
May isa pang nagsabi na para siyang biglang sikat na akala mo kung sino na, at feel na feel ang “good life” na ngayon lang niya tinatamasa.
Marami ang na-turn off sa kanya at nag-unfollow sa socmed.
GORGY RULA: E, di ba? Hindi na rin masikmura ng pamilya ng kanyang ex ang ugali niya?
Hindi makatarungan ang trato niya sa mga kasambahay.
Kaya hindi na ako nagulat sa kuwentong iyan.
Hindi maganda na official carrier ng bansa mo, sinisiraan mo.
Magtatagal kaya siya sa trabaho niya sa Amerika kung ganoon ang ugali niya?
JERRY OLEA: May mga mukhang anghel na burak ang kalooban.
Hindi mailihim ang kayang pagiging negatron.
Umaalingasaw ang bantot ng kanyang attitude.
Masyado bang makitid ang kanyang kukote at hindi niya matanggap ang katwiran ng kabilang panig?
Hanash siya nang hanash, nahalukay tuloy ang mga kamalditahan niya sa mga kasambahay.
Kailan siya matututong pangalagaan ang kanyang reputasyon?
Kailan niya iwawaksi ang nakakahiya niyang ugali?